Ang krimen, kabuhungan o sala ay isang gawaing mapaparusahan ng batas o itinuturing na masamang gawain. Isa itong paglabag sa pangkaraniwang batas o batas publiko. Maaari rin itong isang pagtrato o kalagayang hindi makatarungan o hindi makabatas. Mabibigyang kahulugan din ito bilang isang maling gawaing itinuturing ng isang estado o ng Kongreso bilang isang pelonya o isang kasalanang hindi gaanong mabigat na ang parusa ay maaaring multa o pagkakakulong sa lokal na kulungan. Sa pangkalahatang diwa, ang krimen ay kinabibilangan ng lahat ng mga paglabag, subalit sa diwang limitado ay nakatuon lamang sa pelonya.
Si Krishna ay ang Ikawalong Avatara ni Vishnu sa Hinduism. Siya rin ang manipestasyon ng Diyos sa pananampalatayang Bahá'í. Siya ang diyos na sinasamba sa maraming mga tradisyon ng Hinduismo sa loob ng sari-saring mga pananaw o perspektibo. Habang maraming mga pangkat na Vaishnava ang kumikilala sa kanya bilang avatar ni Vishnu, itinuturing siya sa ibang mga tradisyong nasa loob ng Krishnaismo bilang svayam bhagavan, o Pinakamataas na Nilalang.
Ang kremang pansipilyo o toothpaste ay isang uri ng dentiprikong ginawang pasta o gel na ginagamit sa paglinis at pagpapanatili ng ngipin gamit ang isang sepilyo.