Ang asanorya, karot, kerot, remolatsa, asintorya, asonorya o asinorya isang uri ng mahabang gulay na karaniwang kulay narangha, subalit lumilitaw rin ito sa iba't ibang kulay. Ang halaman ay nagmula sa Persia at dating tinatanim para sa kanyang dahon at buto. Kadalasang kinakain ang ugat ng halaman subalit minsan pati rin ang tangkay at dahon nito. Ang modernong asanorya ay piling pinalaki para sa kanyang ugat na higit na malaki, at kasiya-siyang kainin kesa sa kanyang ninuno.