Pandaigdigang Organisasyon ng Pangangalakal
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang World Trade Organization o WTO (sa Filipino: Organisasyon ng Pandaigdigang Kalakalan,[2] Pranses: Organisation mondiale du commerce o OMC, Kastila: Organización Mundial del Comercio o OMC), ay isang organisasyong pansabansaan na nilikha upang mapamanihalaan at magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang-internasyunal. Ang WTO ay nabuo noong 1 Enero 1995, at kahalili sa Pangkalahatang Kasunduan sa Taripa at Kalakalan (GATT) na nilikha noong 1947 at napagpatuloy sa pagpapalakad sa loob ng halos na limang dekada bilang organisasyong pansabansaang de facto.
| |||
Pagkabuo | 1 Enero 1995 | ||
Himpilan | Geneva, Switzerland | ||
Mga bansang-kasapi | 152 | ||
Mga wika | Ingles, French, Espanyol | ||
Pangkalahatang Tagapangasiwa |
Pascal Lamy | ||
Mga manggagawa | 625[1] | ||
Websayt | www.wto.int Naka-arkibo 2021-07-01 sa Wayback Machine. |
Ang WTO ay nakikisama sa mga tuntunin ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa antas ng malapitang-pambuong-daigdig; siya ay may tungkulin sa pakikipag-usapan at pagpapatupad ng mga bagong kasunduang pangkalakalan, humahawak sa pagpapalakad ng mga bansang-kasapi na sumusunod sa lahat ng mga kasunduan ng WTO, nilagdaan ng kalakhan ng mga bansang mangangalakal ng daigdig at naratipikahan sa kanilang mga batasan.[3][4] Karamihan sa mga kasalukuyang gawain ng WTO ya nagmumula sa mga negosasyong 1986–94 na tinatawag na Hakbang Urugway, at ang mga unang negosasyon sa ilalim ng GATT. Ang organisasyon ay kasalukuyang nagpupunung-abala sa mga bagong negosasyon, sa ilalim ng Talatuntunang Pangkaunlaran ng Doha (DDA) na ipinakilala noong 2001.[3]
Ang WTO ay napapangasiwaan ng Kumperensiyang Pangministeryo, na nagpupulong nang bawat dalawang taon; ang Pangkalahatang Sangunnian, na nagpapatupad ng pasiyang pampatakaran ng pagpupulong, ay may tungkulin sa pamamahalang pang-araw-araw; at ang pangkalahatang-tagapangasiwa, na hinirang ng Kumperensiyang Pangministeryo. Ang himpilan ng WTO ay nasa Geneva, Switzerland.
Ang paraan ng pagiging kasapi ng WTO ay pambihira sa bawat bansang aplikante, at ang takdang panahon ng pagtanggap ay nababatay sa kalagayan ng kaunlarang pang-ekonomiya at pamamahala sa kasalukuyang kalakalan ng isang bansa.[5] Ang proseso ay tumatagal sa loob ng limang taon, nguni't lumalampas pa ito kung ang bansa ay hindi nakamit ang kanilang kahilingan o lumalala ang kaguluhan sa isyung pampolitika. Bilang tipiko ang mga alintuntunin ng WTO, ang alok ng pagtanggap ay ibinibigay lamang kung ang pagkakasundu-sundo ay nakarating sa mga panig may ninanais.[6]
Ang isang bansa na nangangarap na maging kasapi ng WTO ay nagpapasa ng aplikasyon sa Pangkalahatang Sanggunian, at kailangang isalarawan ang lahat ng mga aspekto ng kanyang patakaran sa kalakalan at ekonomiya na sumasang-ayon sa mga kasunduan ng WTO.[7] Ang aplikasyon na nakasulat sa pamamagitan ng memorandum na sinusuri ng pangkat na gumagawa (working party) kung saan bukas sa lahat ng mga bansang-kasapi ay ipinapasa sa WTO.[6] Pagkatapos nakapagkamit ang kabatiran na nilalaman ng mga pinagmulan, ang pangkat na gumagawa ay nakatutok sa mga isyu ng pagkakaiba sa pagitan ng mga tuntunin ng WTO at ang mga patakaran ng kalakalang pantahanan at batas ng aplikante. Tinitiyak ng pangkat na gumagawa ang mga takay at pasubali sa pagpasok ng WTO para sa mga bansang-aplikante, at maaaring ipalagay sa panahon ng pagpapalit upang mapayagan ang mga bansa sa pagkakaroon ng luwag habang tumatalima sa mga tuntunin ng WTO.[5] Ang huling hakbang ng patanggap ay may kasamang negosasyong bilateral sa pagitan ng bansang-aplikante at ang ibang kasapi ng pangkat na gumagawa hinggil sa mga pagpapakilala at pangako sa mga antas ng taripa at pagdaan sa pamilihan para sa mga produkto at mga serbisyo. Ang mga naninindigang bagong kasapi ay dapat maghain ng kahilingan nang pantay-pantay sa lahat ng mga kasapi ng WTO sa ilalim ng karaniwang tuntunin na walang diskriminasyon, kahit sila'y nag-uusap nang bilateral.[7]
Kung nakapaghinuha ang usapang bilateral, magpapadala ng pangkat na gumagawa sa Pangkalahatang Sanggunian o Kumperensiyang Pangministeryo ang mga dokumento ng pagpasok, na kasama ang lagom ng lahat ng mga pagpupulong ng pangkat na gumagawa, ang Protokol ng Pagpasok (isang balangkas ng kasunduan ng pagkakasapi), at mga tala ("mga talatakdaan") ng mga paninindigan ng bansang malapit na maging kasapi. Kung napasiyahan ng Pangkalahatang Sanggunian o Kumperensiyang Pangministeryo ang mga kayarian ng pagpasok, ang batasan ng aplikante ay dapat magpatibay ng Protokol ng Pagpasok bago maging isang ganap na kasapi.[8]
Ang WTO ay binubuo ng mga 152 kasapi (halos lahat ng mga 123 bansa na lumahok sa Hakbang Urugway ay nag-uupahan sa kanilang mga sarili, at ang mga iba ay kailangang kumuha ng pagkakasapi).[9] Ang mga 27 bansa ng Unyong Europeo ay kumakatawan bilang Mga Pamayanang Europeo. Hindi na kailangang maging bansang-kasaping may soberenya ang mga kasapi ng WTO. Bagkus, dapat sila'y tinuturing teritoryong pang-adwana na may awtonomiya sa pamamaraan ng kanilang ugnayang pangkomersiya. Gaya ng Hong Kong (naging "Hong Kong, Tsina" noong 1997) na naging bahagi ng pangkat na pangkasunduan ng GATT, at ang Republika ng Tsina (Taiwan) na pinayagang sumanib noong 2002 sa ilalim ng pangalanag "Hiwalay na Teritoryong Pang-adwana ng Taiwan, Penghu, Kinmen at Matsu (Tsinong Taipei)".[10] Ang bilang ng di-kasapi na ginagampanan bilang tagamasid (30) sa WTO ay kasalukuyang nakikipagpulong ukol sa kanilang pagkakasapi. Maliban sa Lungsod ng Vatikan, ang mga tagamasid ay dapat magsimula sa negosasyon ng pagpasok sa loob ng limang taon ng pagkatagamasid. Ang mga ibang intergubernamental na organisasyong pang-internasyunal ay nabigyan ng katayuan ng tagamasid sa katawan ng WTO.[11] Sa ngayon, labing-apat na estado at dalawang teritoryo ay wala pang opisyal na interaksiyon sa WTO.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.