Ang pagkit, sera o waks[1] (Aleman: Wachs, Ingles: wax, Kastila, Portuges: cera) ay isang sustansiyang nakapagpapakintab at nagdurulot ng proteksiyon sa balat ng mga prutas at dahon ng mga gulay at ibang halaman. May mga pagkit din na nagmumula sa mga hayop, katulad ng tutuli mula sa loob ng tainga ng tao. May mga waks din na nanggagaling sa mga petrolyo at mineral. Mayroon ding mga waks na sintetiko o gawang-tao.[2]

Thumb
Isang kandilang yari sa pagkit.

May kaugnayan ang mga pagkit sa mga taba. Bagaman matigas, mas madaling masira ang mga ito kung ikukumpara mula sa mga taba. Hindi tumatagos ang tubig sa kapatagan ng mga pagkit, ngunit madali silang matunaw, kung kaya't nabibigyan ng hugis. Ginagamit ang mga pagkit sa paglikha ng mga pampaganda at pamahid na kosmetiko at panggagamot, waks papel[3], plorwax (floorwax), kandila, mga plaka pang-musika, barnis, papel na karbon (carbon paper), krayola, mga artipisyal na halaman, at mga sabon.[2]

Mga uri ng pagkit

  • Mula sa mga halaman:
    • pagkit ng halamang karnauba
    • pagkit ng halamang kandelilya
    • pagkit ng Hapon, mula sa bungang lumboy ng halamang bayberry o puno ng sumak
    • pagkit mula sa tubo (halaman) (sugarcane)
    • pagkit ng ouricury
    • pagkit ng palma
    • pagkit ng raffia
    • pagkit ng damong esparto, na mula sa Hilagang Aprika
  • Mula sa mga mineral:
    • pagkit mula sa ozocerite
    • pagkit na Montan, mula sa mga lignite
  • Mula sa mga petrolyo:
    • ang paraffin
    • gulamang petrolyo (petroleum jelly)

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.