From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang tuldik ay isang glipo na dinadagdag sa isang titik.
Ang pangunahing gamit nito sa Latinong pagsulat ay upang mapalitan ang pagbigkas o maláman ang pagkakaiba nito pagitan ng magkakatulad ng mga salita. Halimbawa mula sa wikang Filipino ay ang tuldik na pahilis-kaliwa na makikita sa buháy at gabí, na nagpapakita ng pagbilis ng bigkas.
Sa iba pang mga sistemang alpabetiko, ang mga tuldik ay maaaring magamit sa mga iba pang bagay. Ang mga sistema ng vowel pointing, tulad ng sa Arabeng harakat ( ـَ, ـُ, ـُ, atbp.) at ng Ebreong niqqud ( ַ, ֶ, ִ, ֹ , ֻ, etc.), ay nagpapahiwatig ng mga tunog (mga patinig o tono) na hindi magagawa sa payak na alpabeto. Ang Indic na virama ( ् atbp.) at ang Arabeng sukūn ( ـْـ ) naman ay naghuhudyat sa kawalan ng patinig. Ang mga cantillation mark naman ay nagpapahiwatig ng prosody. Ang mga iba pang gámit ay ang Sinaunang Sirilikong titlo ( ◌҃ ) at ang Ebreong gershayim ( ״ ), na, respektibli, ay naghuhudyat ng mga daglat o mga akronim, at mga Griyegong tuldik, na mga titik ng alpabeto ay ginamit bílang mga numero. Sa Hanyu Pinying opisyal na romanisasyon ng sistema ng mga Tsino, ang mga tuldik ay ginamit upang maghudyat sa mga tono ng mga pantig kung saan ang mga nakamarkang patinig ay nandoon.
Sa ortograpiya at paghahambing, ang isang titik na binago ng tuldik ay maaaring ituring bílang isang bagong titik o isang kombinasyon ng titik at tuldik. Iba-iba ang turing dito depende sa wika.
Hindi tulad sa mga ibang wika, sa Filipino at Tagalog hindi hiwalay na titik ang mga tuldik at hindi ito kasáma sa alpabeto at mga patinig lámang ang tinutuldikan.
Mayroong apat na uri ng tuldik sa palatuldikan ng mga wikang Filipino:
Una, ang pahilís (΄), acute sa Ingles, na may dalawang bigkas: ang mabilís, na mabilis ang bigkas ng salita at laging nasa hulíng pantig ng salita (hal: buháy - alive, bukás - open) at malúmay, na marahan o mabagal ang bigkas ng salita at laging nasa una o mga gitnang pantig (hal: búhay - life, búkas - tomorrow).
Ikalawa, ang paiwà (`), grave sa Ingles. Ang bigkas nito ay malumì. Binibigkas ito nang mabagal o marahan at nagtatapos na may impit. Impit ang tawag sa biglang paghinto ng tunog tulad ng à sa talà (star). Lagi itong nasa hulíng pantig (hal: punò - tree). Nilalagyan din ito ng tuldik na pahilís at malúmay kung higit sa dalawa ang pantig (hal: pinúnò - leader).
Ikatlo, ang pakupyâ (^), circumflex sa Ingles. Ang bigkas nito ay maragsâ. Binibigkas ito nang mabilis at nagtatapos na may impit tulad ng â sa talâ (list).
Ikaapat, ang patuldok (¨), dieresis sa Ingles. Binibigkas ito nang may schwa (ə) at matatagpuan sa mga wikang Ilokano, Mëranaw, Kinaray-a, Kankanaëy at iba pa.
Ang impit na nasa dulo at may diing pantig ng salita ay kinakatawan ng tuldik na pakupya sa ibabaw ng patinig ng dulong pantig: “likô” /li. ko /. Ang impit na tunog sa pinal na posisyon ng salita ay hindi nabibigkas ng ilang tagapagsalita. Ang dahilan nito ay sapagkat sa unang wika nila ay walang impit na matatagpuan sa naturang posisyon. Naililipat nila ang ganitong nakagawian sa kanilang pangalawang wika: “likô” /li. ko / > /li. ko/.
Para sa ilang tagapagsalita, ang impit na nasa dulo ng salita ay napapalitan ng haba, kapag ang salita ay nasundan ng ibang mga salita: “matandâ” /ma.tan.'da / pero “matandá na siya” /ma.tan.da:. na. si.yá/. Para naman sa ibang tagapagsalita, nananatili ang tuldik kahit ang salita ay nasundan ng ibang salita: “matandâ na siya” /ma.tan. da . na. si.yá/.
Salitang may tuldik | Kahulugan |
---|---|
akò | responsabilidad |
akó | sarili |
báka | hayop |
baká | maaari, maybe |
bílang | dami, number |
biláng | limitado |
búhay | life |
buháy | alive |
hámon | pagsubok |
hamón | pagkain |
káya | puwedeng gawin |
kayâ | so, thus, hence |
masáyang | to be wasted |
masayáng | maligaya |
páso | daanan, passage |
pasò | sunog, burn, scald |
pasó | lumampas sa itinakdang panahon, expired |
pasô | garden pot |
pinunò | lider |
pinunô | to be filled |
wën | oo (Ilokano) |
yuhëm | ngiti (Kiniray-a) |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.