Republikang Tseko
Bansa sa Gitnang Europa From Wikipedia, the free encyclopedia
Bansa sa Gitnang Europa From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Tsekya (Tseko: Česko), opisyal na Republikang Tseko, ay bansang walang pampang sa Gitnang Europa. Hinahangganan ito ng Austria sa timog, Alemanya sa kanluran, Polonya sa hilagang-silangan, at Eslobakya sa timog-silangan. Sumasaklaw ito ng lawak na 78,871 km2 at tinatahanan ng mahigit 10.8 milyong mamamayan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Praga.
Republikang Tseko Česká republika (Tseko)
| |
---|---|
Salawikain: Pravda vítězí "Ang katotohana'y nananaig" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Praga 50°05′N 14°28′E |
Wikang opisyal | Tseko |
Katawagan | Tseko |
Pamahalaan | Unitaryong republikang parlamentaryo |
• Pangulo | Petr Pavel |
• Punong Ministro | Petr Fiala |
Lehislatura | Parlamento |
• Mataas na Kapulungan | Senado |
• Mababang Kapulungan | Kapulungan ng mga Diputado |
Establishment history | |
• Duchy of Bohemia | c. 870 |
• Kingdom of Bohemia | 1198 |
• Czechoslovakia | 28 October 1918 |
• Czech Republic | 1 January 1993 |
Lawak | |
• Kabuuan | 78,871 km2 (30,452 mi kuw) (115th) |
• Katubigan (%) | 2.16 (as of 2022) |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2023 | 10,827,529 (85th) |
• Senso ng 2021 | 10,524,167 |
• Densidad | 133/km2 (344.5/mi kuw) (ika-91) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $539.318 bilyon (46th) |
• Bawat kapita | $49,025 (39th) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $335.243 bilyon (ika-47) |
• Bawat kapita | $30,474 (37th) |
Gini (2020) | 24.2 mababa |
TKP (2021) | 0.889 napakataas · ika-32 |
Salapi | Czech koruna (CZK) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
UTC+2 (CEST) | |
Kodigong pantelepono | +420 |
Kodigo sa ISO 3166 | CZ |
Internet TLD | .cz[a] |
Unang itinatag ang Dukado ng Bohemia sa huling bahagi ng ika-9 na siglo sa ilalim ng Great Moravia. Ito ay pormal na kinilala bilang isang Imperial State ng Holy Roman Empire noong 1002 at naging isang kaharian noong 1198.[16][17] Kasunod ng Labanan sa Mohács noong 1526, ang lahat ng mga lupain ng Korona ng Bohemia ay unti-unting isinama sa monarkiya ng Habsburg. Makalipas ang halos isang daang taon, ang Protestant Bohemian Revolt ay humantong sa Tatlumpung Taon na Digmaan. Pagkatapos ng Labanan sa White Mountain, pinagsama ng mga Habsburg ang kanilang pamumuno. Sa pagbuwag ng Holy Roman Empire noong 1806, ang mga lupain ng Crown ay naging bahagi ng Austrian Empire. Ang Republikang Tseko ay isa sa mga miyembro na Unyong Europeo (EU).
Sumali ang Tsekya sa NATO noong 12 Marso 1999 at sa Unyong Europeo noong 1 Mayo 2004.
Ang pinuno ng estado ng Republikang Tseko ay ang pangulo. Karamihan sa kapangyarihang tagapagpaganap ay nakasalalay sa pinuno ng pamahalaan, ang punong ministro, na madalas ding pinuno ng pinakamalaking partido o ng pinakamalaking koalisyon sa parlamento at itinatakda ng pangulo. Ang natitira sa gabinete ay itinatakda ng pangulo sa rekomendasyon ng punong ministro.
Ang pinakamataas na katawang tagapagbatas ay ang bicameral na Parlament České republiky (Parlyamento ng Republikang Tseko), na may 281 kinatawan. Ang pinakamataas na tagapaghukom ay ang Ústavní soud (Hukumang konstitusyonal), na nasusunod sa lahat ng mga isyung konstitusyonal.
Tatlo na estado (historical lands) ang bumubuo sa Tsekya at ang kani-kaniyang kabisera:
Sa dibisyong administratibo, nahahati ang Republikang Tseko sa 14 kraj (rehiyon), ang bawat isa na isinasapangalan sa kanilang mga pangunahing lungsod:
Rehiyon | Punong lungsod | Populasyon (2009) | |
hlavní město Praha | Praga | 1 233 211 | |
Středočeský kraj | Praga | 1 230 691 | |
Jihočeský kraj | Budweis | 636 328 | |
Plzeňský kraj | Pilsen | 569 627 | |
Karlovarský kraj | Karlovy Vary | 308 403 | |
Ústecký kraj | Ústí nad Labem | 835 891 | |
Liberecký kraj | Liberec | 437 325 | |
Královéhradecký kraj | Hradec Králové | 554 520 | |
Pardubický kraj | Pardubice | 515 185 | |
kraj Vysočina | Jihlava | 515 411 | |
Jihomoravský kraj | Brno | 1 147 146 | |
Olomoucký kraj | Olomouc | 642 137 | |
Zlínský kraj | Zlín | 591 412 | |
Moravskoslezský kraj | Ostrava | 1 250 255 | |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.