From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Tronong Krisantemo (o Tronong Mansanilya) ay isang termino na halaw sa Ingles para tukuying ang tronong imperyal ng Hapon o ang monarkiya nito mismo. Sa mga Hapones, ang tawag nila dito ay Koui (kōi) o sa madaling pagsasaling wika ay "tronong imperyal".
Ang Tronong Krisantemo ang pinakamatandang patuloy na panunungkulan ng monarkiya sa mundo. Ayon sa Nihonshoki, sinasabi na ang Imperyo ng Hapon ay itinatag ni Emperador Jimmu noong taong 660 BK. Ayon sa tradisyon, si Emperador Akihito, ang ika-125 na tagapagmana ng Trono mula kay Emperador Jimmu. Pero kung pagbabasehan ang mga nakasulat na katibayan, hanggang kay Emperador Oojin (Ōjin) lamang ang ebidensiya na nakalap. Si Emperador Oojin ay ika-15 na umupo sa Tronong Krisantemo na ayon sa kasaysayan ay nasa ikalimang daangtaon.
Noong 1889, isinabatas ni Mutsuhito (Emperador Meiji) na bawal ng umupo ang kababaihan sa Tronong Krisantemo simula noong ika-19 siglo. Nireporma ito ng Diet ng Japan o iyong kanilang parlamento noong taong 1947. Sa kanilang kasaysayan meron 8 na babae ang umupo bilang Emperador ng Japan. Sa batas na ito ang mga babae na tatawaging emperatris (Kougou) ay mga asawa lamang ng mga Emperador.
Ang mga emperador (Tennou) ay nagsisilbi bilang punong pari sa makalumang relihiyong Shinto ng mga Hapones. Lahat ng mga Emperador ng Hapon ay tinuring na mga diyos ng sambayanang Hapones dahil nagmula ang kanilang angkan kay Amaterasu, ang Diyosa ng Araw ng mga Hapones. Pero nung matalo sila sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinabulaanan ito ni Hirohito (Emperador Showa). Siya ang kahuli-hulihang diyos-emperador na bansang Hapon.
Sa ilalim ng Saligang Batas ng Hapon, ang Emperador ay isang "sagisag ng estado at pagkakaisa ng kanyang sambayanan"; wala siyang tunay na pampolitika na kapangyarihan at tinatrato siya bilang pinuno ng estado at monarkang konstitusyonal.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.