Ang tradisyong pasalita[1] ay isang paraan ng paglilipat o paghahatid ng kasaysayan, panitikan, o batas magmula sa isang salinlahi papunta sa kasunod na salinlahi sa loob ng isang kabihasnan na walang ginagamit na sistema ng pagsusulat, bagkus ay sa pamamagitan lamang ng pagbigkas, pagsambit, pagsasabi sa pamamagitan ng bukambibig, o pabigkas na pagkukuwento, paglalahad, o pagsasalaysay at pag-uusap. Isang halimbawa ng pinagsamang katangian ng pasabi o pabanggit na panitikan at sinasabing kasaysayan, bago pa man ito naisulat, ay ang panulaang Homeriko ng Iliada at ng Odisea.
Ang kaugaliang sali't saling sabi ay isang materyal at mga kaugalian o tradisyon na pangkalinangan na inililipat sa pamamagitan ng pagsasalita lamang magmula sa isang salinlahi papunta sa isa pa.[2][3] Ang mga mensahe o testimonya (patotoo o salaysay) ay inililipat na pasabi sa pamamagitan ng talumpati o awit at maaaring magkaroon ng anyo, bilang halimbawa ng mga kuwentong-bayan, mga kasabihan, mga balada, mga awitin, o mga kanta. Sa ganitong paraan, maaaring magawa ng isang lipunan na mailipat ang kasaysayang sali't saling sabi, panitikang sali't saling sabi, batas na sali't saling sabi at iba pang mga kaalaman patawid na papunta sa mga salinlahi na walang sistema ng pagsusulat.
Ang isang mas makitid na kahulugan ng kaugaliang sali't saling sabi ay paminsan-minsang naaakma.[2] Maaari ring bigyan ng diin ng mga sosyologo ang isang pangangailangan na ang materyal ay karaniwang pinanghahawakan ng isang pangkat ng mga tao, sa loob ng ilang mga salinlahi, at maaaring ipagkaiba ang kaugaliang pasabi mula sa isang testimonya o kasaysayang pasabi.[4] Sa pangkalahatang diwa, ang "tradisyong pasabi" ay tumutukoy sa transmisyon ng materyal na pangkultura sa pamamagitan ng pagbigkas o pabadya, at matagal nang pinanghahawakan bilang isang susing panglarawan ng kuwentong-bayan (isang pamantayan na hindi na mahigipit na pinanghahawakan ng mga polklorista).[5] Bilang isang disiplinang pang-akademya, tumutukoy ito sa isang pangkat ng mga bagay at isang pamamaraan kung saan pinag-aaralan ang mga ito[6]—ang pamamaraan ay maaaring tawagin sa pamamagitan ng sari-saring "teoriya ng kaugaliang sali't saling sabi", "ang teoriya ng Kumposisyong Oral-Pormulaiko" at ang "teoriyang Parry-Lord" (mula sa dalawang tagapagtatag nito). Ang pag-aaral ng kaugaliang pabigkas ay kaiba mula sa disiplinang akademiko ng kasaysayang pabadya (kasaysayang pabigkas),[7] na isang pagtatala ng mga alaalang personal (pansarili) at mga kasaysayan ng mga nakaranas ng kapanahunan o kaganapang pangkasaysayan.[8] Naiiba rin ito magmula sa pag-aaral ng oralidad, na maaaring bigyan ng kahulugan bilang kaisipan at pagpapadama nitong pabigkas sa loob ng mga lipunan kung saan ang mga teknolohiya ng literasya (natatangi na ang pagsusulat at paglilimbag) ay hindi pangkaraniwan sa karamihan ng populasyon.[9]
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.