From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang bitak na pampitso, bitak ng dibdib o bitak na torasiko (Ingles: thoracic cavity, chest cavity) ay ang bitak sa katawan ng tao (at iba pang mga katawan ng hayop) na napuprutektahan ng dingding na pampitso (hawlang pampitso at kaugnay na balat, kalamnan o masel, at senepa).
Bitak na pampitso | |
---|---|
Mga detalye | |
Latin | cavitas thoracis |
Mga pagkakakilanlan | |
Anatomiya ni Gray | p.524 |
Dorlands /Elsevier | Thoracic cavity |
TA | A01.1.00.049 A02.3.04.002 A07.0.00.000 |
FMA | 7565 |
Kabilang sa pook na pampitso ang mga tendon pati na ang sistemang kardiyobaskular na maaaring mapinsala dahil sa kapinsalaan sa likuran, gulugod o leeg.
Kabilang sa mga kayariang nasa loob ng bitak na pampitso ang mga sumusunod:
Naglalaman ito ng tatlong potensiyal na mga puwang na naguguhitan o nahahanayan ng mesotelyum: ang magkaparis na mga bitak na pleural at ang bitak na perikardiyal. Nakasanib sa mediastinum ang mga organong nakahimlay sa gitna ng dibdib na nasa pagitan ng mga baga.
Kapag nasira ang bitak na pleural magmula sa labas, na katulad ng sa pamamagitan ng isang bala ng baril o ng isang sugat na dulot ng panaksak, maaaring magresulta ang pinsala ng isang pneumothorax (numotoraks), o hangin sa loob ng bitak. Kapag malaki ang dami o bolyum ng hangin, maaaring lumubog o gumuho ang isa o dalawang mga baga, na nangangailangan ng kaagad na pagpansin at pagtuon na pampanggagamot.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.