From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Thalía ay ang 2003 studio album at panglabing-isang album ng Mehikana, Latina Amerikanang mang-aawit ng pop na si Thalía. Ito ay ang bersyong Ingles ng kanyang dating studio album na Thalía. Ang album na ito ay ang kauna-unahang buong album ni Thalía na inawit niya sa Ingles at nakapagbenta ng higit sa 3 milyong kopya sa buong mundo.
Thalía | ||||
---|---|---|---|---|
Studio album - Thalía | ||||
Inilabas | Hulyo 8, 2003 | |||
Isinaplaka | 2002-2003 | |||
Uri | Latin pop | |||
Haba | 56:59 | |||
Tatak | Virgin | |||
Tagagawa | Davy Deluge, Estéfano, Martin Harrington, Steve Morales, Cory Rooney, Ric Wake | |||
Thalía kronolohiya | ||||
|
Ang "I Want You" ay ang pinkatanyag na kanta ni Thalía sa Estados Unidos. Si Fat Joe ay tinulungan si Thalía at ang kanta ay naging Top 40 sa Billboard Hit. Ang "I Want You" ay lumabas bilang ikalabing-dalawa sa Billboard Hot 100 at numero siyete sa Mainstream chart. Ito ang tangi niyang kanta na lumabas sa loob ng Billboard Hot 100 hanggang sa ngayon. Sa Gresya ang kanta ay lumabas bilang ikalabing-anim sa benta sa Top 50 singles. Ang bersyong Espanyol ng kanta, ang "Me Pones Sexy", ay inilabas para sa mananalita ng Espanyol na makikinig at ito ay magandang nagtanghal sa Latin Charts, lumabas ito sa loob ng top ten sa Hot Latin Tracks bilang ikasiyam.
Ang Thalía ay gumawa rin ng maraming single ngunit lahat ito ay nabigong mag-chart sa Estados Unidos. Ang "Baby I'm in Love" ay ang pangalawang single sa album, ngunit ito ay hindi nagtanghal ng mabuti, bagaman ito ay tanggap bilang mas magandang awit kaysa sa "I Want You". Ang bersyong Espanyol na "Alguien Real" ay hindi nagpakita sa kahit anong Latin Charts. Ang "Don't Look Back" ay inilabas bilang remix single at nagtanghal ng mabuti sa Billboard Dance Charts. Ang ika-apat na single na "Cerca de Ti" ay nagtanghal ng mas mabuti kaysa sa bersyong Espanyol ng "I Want You" sa Latin Charts, na lumabas sa numero uno sa Hot Latin Tracks. Ang "Closer to You", ang bersyong Ingles ng kanta, ay sa huli ay kinansela.
|
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Thalía (English album) " ng en.wikipedia. |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.