Reproduktibong organ ng isang hayop From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga ibayag (Ingles: testicle; mula sa Latin na testiculus, diminutibo ng testis, na nangangahulugang "saksi" ng birilidad,[1]; ang testis ay pang-isahan, na nagiging testes kung maramihan) ay ang panlalaking gonad sa mga hayop. Katulad ng mga obaryo (katumbas ang obaryo ng babae ng itlog ng bayag ng lalaki), ang mga itlog ng bayag ay komponente ng sistemang reproduktibo at ng sistemang endokrino. Ang pangunahing mga tungkulin ng itlog ng bayag ay ang gumawa ng mga esperma (espermatohenesis) at gumawa ng mga androheno, pangunahin na ang testosteron. Ang mga tungkuling ito ay may kaugnayan sa pagkagustong makipagtalik[2].
Ang mga tungkulin ng itlog ng bayag ay naiimpluwensiyahan ng mga hormonang gonadotropiko na nililikha ng pituitaryong anteryor. Nagreresulta sa pagpapakawal ng testosteron ang mga luteinizing hormone (LH). Ang pagkakaroon ng testosteron at ng hormonang nakapag-eestimula ng polikula (follicle-stimulating hormone, FSH) ay kailangan upang masuportahan ang espermatohenesis.
Ang mga itlog na pambayag ay mga bahaging natatagpuan sa mga katawan ng mga nilalang na lalaki. Ang mga lalaking mamalya, kasama ang mga lalaking tao, ay may dalawang mga itlog sa loob ng bayag, na sinusuportahan sa loob ng supot ng balat sa ilalim ng titi at tinatawag ang supot bilang eskroto o eskrotum. Kasama ng titi, ang mga testikulo ay tinatawag na mga organong pangreproduksiyon (mga organong pangseks). Mga lalaki lamang ang may mga itlog sa bayag; ang mga babae ay maroong mga obaryo.
Ang itlog ng bayag ay mga uri ng organong tinatawag na mga glandula. Katulad ng ibang mga glandula, ang mga tesktikulo ay gumagawa ng mga sustansiyang kimikal na tinatawag na mga hormona, na nakapagpapanatili sa pagpapaandar ng katawan. Gumagawa rin ang itlog ng bayag ng esperma na sumasama sa oba upang lumikha ng bagong buhay. Karamihan sa mga glandula, katulad ng mga obaryo ng kababaihan, ay nasa loob ng katawan, subalit ang mga testikulo ay nasa labas ng pangunahing bahagi ng katawan. Ito ay dahil sa ang mga itlog ng bayag ay higit na umaandar o nakapagtatrabaho ng mas mainam kapag hindi naiinitan kaysa sa loob ng katawan. Sa malamig na klima o panahon, pumapaitaas ang mga testikulo papalapit sa katawan upang mapanatili ang init.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.