Mula 1991 hanggang 2009, legal na binubuo ang Unyong Europeo (UE) ng tatlong haligi. Nagsimula itong gamitin sa pagpapabisa ng Tratado ng Maastricht noong 1 Nobyembre 1991, at ito ay nagwakas noong 1 Disyembre 2009 sa pagpapatibay ng Tratado ng Lisbon, kung saan nagkamit ang UE ng pinagsanib na legal na personalidad.
Ang mga tatlong haligi ay binubuo ng mga sumusunod:
- Hinawakan ng haligi ng mga Pamayanang Europeo ang mga patakarang ekonomiko, panlipunan at pang-kalikasan. Tatlong magkahiwalay na organisasyon ang bumuo sa haliging ito: ang Pamayanang Europeo, ang Pamayanang Europeo ng Karbon at Asero (nawalan ng bisa noong 2002) at ang Pamayanang Europeo ng Enerhiyang Atomiko.
- Hinawakan ng haligi ng Karaniwang Patakarang Panlabas at Panseguridad ang mga pangangailangang may kaukulan sa ugnayang panlabas at sa militar
- Idinulot ng Kooperasyong Pampulisya at Pang-hukuman sa mga Suliraning Kriminal ang kooperasyon sa laban sa krimen. Dati itong ipinangalan na Ugnayang Interyor at Pang-hukuman.
Karagdagang impormasyon Unyong Europeo ...
Isara
Karagdagang impormasyon Mga Pamayanang Europeo, Karaniwang Patakarang Panlabas at Panseguridad (CFSP) ...
|
Mga Pamayanang Europeo |
|
Karaniwang Patakarang Panlabas at Panseguridad (CFSP) |
|
Kooperasyong Pampulisya at Pang-hukuman sa mga Suliraning Kriminal (PJCC) |
|
- Pamayanang Europeo (EC):
- Unyong pang-adwana at nag-iisang merkado
- Karaniwang Patakarang Pansaka
- Karaniwang Patakarang Pampalaisdaan
- Batas kompetisyon ng Unyong Europeo
- Unyong ekonomiko at pansalapi
- Pagkamamamayang EU
- Edukasyon at Kultura
- Mga Kalambatang Trans-Europeo
- Pagsasanggalang ng mga konsumidor
- Kalusugan
- Pagsisiyasat (hal. ang Ika-7 Programang Balangkas)
- Batas pangkalikasan
- Patakarang panlipunan
- Patakaran sa mga asilo
- Kasunduang Schengen
- Patakarang pampandarayuhan
- Pamayanang Europeo ng Karbon at Asero (ECSC; hanggang 2002):
- Pamayanang Europeo ng Enerhiyang Atomiko (EURATOM):
|
- Patakarang panlabas:
- Patakarang panseguridad:
- Patakarang Europeo sa Seguridad at Tanggulan
- mga grupong panlaban ng UE
- Katalogong Puwersa ng Punong Layunin sa Helsinki
- Pagpapanatili ng kapayapaan
|
- Pangangalakal ng droga at pagpupuslit ng sandata
- Terorismo
- Labag na pagluluwas ng tao
- Organisadong Krimen
- Panunuhol at estafa
|
Unang haligi: Paraan ng pagsasamang pampanayan |
Ikalawang haligi: Paraan ng kooperasyong intergubermental |
Ikatlong haligi: Paraan ng kooperasyong intergubermental |
Isara
Nagkakaroon ng iba't-ibang balanse sa pagitan ng mga prinsipyong supranasyonal at intergubermental sa loob ng bawat haligi.