From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang tansong dilaw (Ingles: brass) ay isang haluang metal na binubuo ng tanso at sink; ang tumbasan o proporsiyon ng sink at tanso ay maaaring magkakaiba upang makalikha ng isang kasaklawan ng mga brasa na may iba't ibang mga katangian o kaariang katangian.[1]
Bilang paghahambing, ang tansong pula o bronse ay pangunahing isang haluang metal na binubuo ng tanso at lata.[2] Ang tansong pula ay hindi talaga nangangailangang maglaman ng lata, at ang isang kasamu't sarian ng mga haluang metal na may tanso, kabilang na ang mga haluang metal na may arseniko, posporo, aluminyo, mangganesa, Ang tansong dilaw ay isang pamalit na haluang metal. Ginagamit ito sa pagpapalamuti dahil sa anyo nitong makintab na tila ginto; para sa mga paggamit kung saan kailangan ang mababang pagpipingkian o pagkikiskisan na katulad ng sa mga kandado, enggranahe, kiyas, busol, bala ng sandata, at balbula; para sa mga kagamitang pangpagtutubero at pangkuryente; at nang malawakan sa instrumentong pangmusikang katulad ng mga tambuli, torotot, at mga kuliling dahil sa mga katangian nitong akustiko. Ginagamit din ito sa para sa mga siper. Dahil sa mas malambot ito kaysa sa karamihan ng iba pang mga metal, sa pangkalahatang paggamit, ang tansong dilaw ay madalas na ginagamit sa mga sitwasyon kung saan mahalaga na ang tilamsik ng apoy o pagsiklab ay hindi tumalab, katulad ng sa mga pangkabit at mga kasangkapang nasa paligid ng sumasabog na mga gas o hangin.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.