From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang T.G.I.S. (Thank God It's Sabado[1]) ay isang palabas sa telebisyon mula sa Pilipinas na umere sa GMA Network. Dinirehe nina Mark A. Reyes (unang pangkat), at Dominic Zapata (ikalawa at ikatlong pangkat), pinagbibidahan ito nina Bobby Andrews,Angelu de Leon, Onemig Bondoc, Michael Flores, Raven Villanueva, Red Sternberg at Ciara Sotto para sa unang pangkat, at Dingdong Dantes, Antoinette Taus, Sunshine Dizon, at Anne Curtis para sa ikalawa at ikatlong pangkat. Una itong lumabas noong 12 Agosto 1995 tuwing Sabado ng hapon. Natapos ang palabas noong November 27, 1999 sa kabuuang 233 episodyo.
Nai-stream ang serye sa YouTube.[2] Nailabas ang isang pelikula, ang T.G.I.S.: The Movie, noong 4 Enero 1997 ng Viva Films at GMA Films batay sa serye.
Orihinal na pambungad na awitin ng palabas ang "Dyslexic Heart" ni Paul Westerberg na kinuha mula sa pelikulang Singles subalit pinalitan ito sa kalaunan sa "Walking on Sunshine" ng Katrina and the Waves.[6]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.