From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang nabubuong sanggol o namumuong sanggol (Ingles: fetus o foetus[1]) ay ang tawag sa isisilang na anak ng tao o hayop habang nasa loob pa ng tiyan ng ina. Karaniwang tumutukoy ito sa batang nasa sinapupunan pa ng nagdadalangtaong ina sa loob ng kapanahunang ng mga dalawang buwan.[2]
Kapag nagmukhang tao na ang bilig sa pagsapit ng ikalawang buwan ng pag-unlad nito, opisyal na itong tinatawag na nabubuong sanggol o ganap na fetus. Sa pagwawakas ng ikaapat na buwan ng pag-unlad (ika-16 na linggo), may sukat na itong 3 pulgada ang haba. Pagdating ng ikalimang buwan, umaabot na ito sa 4 1/2 pulgadang haba. Pagsapit ng huli ng ikaanim na buwan, mayroon na itong mahigit sa 6 na pulgadang haba. Sa pagkatamo ng ikapitong buwan, nagiging 8 pulgada na ang haba nito.[3]
Sa ikapitong buwan ng pagbubuntis ng babaeng tao, tumitimbang ang nabubuong sanggol ng may 1 kilogramo. Mayroon itong sukat na 35 mga sentimetro ang haba. Magiging malaki ang nabubuong sanggol sa loob ng huling mga buwan ng pagdadalangtao. Pagsapit ng ika-8 mga buwan, nagkakaroon ng bigat na 3 mga kilogramo ang nabubuong sanggol.[1]
Nararamdaman ng nagdadalangtaong babae ang "pagsipa" o paggalaw ng nabubuong sanggol mula sa ika-4 o kaya ika-5 buwan ng pagbubuntis. Madalas na nararamdaman ito ng isang babaeng dati nang nakapanganak. Sa panimula, nararamdaman ang pagkilos na ito ng nabubuong sanggol na may ilang ulit lamang sa loob ng isang linggo hanggang sa maging araw-araw na pagdaka.[1]
Umiikot ang nabubuong sanggol pagdating ng huling buwan ng pagdadalangtao. Pumupuwesto ang ulo nito sa baywang ng babaeng buntis, bilang paghahanda sa panahon ng pagluluwal o panganganak (paglalabas ng buo at ganap nang sanggol). Pagkaraan ng 40 mga linggo, isisilang na ang nabuong sanggol, na may karaniwang timbang na 3.6 mga kilogramo. [1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.