Ang zoolohiya o dalubhayupan ay isang sangay ng biyolohiya na nakatuon sa pag-aaral sa animal kingdom, kabílang ang estruktura, embriyolohiya, ebolusyon, pag-uuri, kasanayan, at distribusyon ng lahat ng hayop, buháy man o ekstinto, at kung paano sila nakikipag-ugnayan sa kanilang mga ekosistem.

Kasaysayan

Sinaunang panahon

Nang maging alaga ng tao ang mga hayop, nagkaroon ng importansya ang pag-aaral nito. Ang mga naunang tala ng pag-aaral ng hayop ay nagmula sa Sinaunang Gresya, partikular kay Aristoteles. Ayon sa mga gawa ng pilosopo, ang kalikasan ay may orden na sinusunod at hindi ito basta-basta nababago.[1]

Sa panahon ng Sinaunang Roma, si Plinio na Nakakatanda ay ginawa ang kanyang tratado na "Historia naturalis". Ang gawang ito ay punong-puno ng mga pag-aaral (katotohanan man o piksyon) ukol sa heograpiya, kalawakang mga bagay, halaman, at hayop. Ang bolyum ng gawang ito na bolyum VII hanggang XI, ay tumutuon sa pag-aaral ng zoolohiya.[1]

Sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.