Si Śri Sathya Sai Baba (ipinanganak na Sathyanarayana Raju (23 Nobyembre 1926  24 Abril 2011[1]) ang isang guru na Indiano, pigurang espiritwal, mistiko, koreograpo at edukador.[2] Siya ay nag-angkin na reinkarnasyon ni Sai Baba ng Shirdi na itinuring na diyos at isang manggagawa ng himala na ang mga katuruan ay isang eklektikong halo ng mga paniniwalang Hindu at Muslim at namatay noong 1918.[3][4][5][6][7][8] Ang mga materyalisasyon ng mga vibhuti (banal na abo) at iba pang mga maliliit na bagay gaya ng mga singsing, kwintas at mga relo ni Sathya Sai Baba ay isang pinagmumulan ng parehong kasikatan at kontrobersiya. Ang mga deboto ni Sai Baba ay naniniwalang ito ay mga tanda ng kanyang pagkadiyos samantalang ang mga skeptiko ay nakikita ang mga ito na simpleng mga trick. Ang mga larawan ni Sathya Sai Baba ay nakapaskil sa mga milyon milyong tahanan at sa mga salpicadero ng kotse. Ang mga locket na may larawan ni Sathya Sai Baba ay isinusuot ng marami bilang tanda ng suwerte at kadalasang itinatago sa mga pitaka bilang mga proteksiyong espiritwal.[9] Si Sai Baba ay may mga ashram sa 126 bansa at nagpapatakbo rin ng isang network ng mga ospital, klinika at eskwela na kadalasan ay libre.[10]

Agarang impormasyon Śri Sathya Sai Baba, Personal ...
Śri Sathya Sai Baba
Thumb
Sathya Sai Baba standing on a float in a parade in 1946.
Personal
Ipinanganak
Sathyanarayana Raju

23 Nobyembre 1926(1926-11-23)
Namatay24 Abril 2011(2011-04-24) (edad 84)
Puttaparthi, Andhra Pradesh, India
Isara

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.