From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Sappho (Sinaunang Griyego: Σαπφώ, romanisado: Sapphō) o Safo ng Lesbos (610 BK - 580 BK) ay isang babaeng manunula mula sa pulo ng Lesbos na nasa Dagat Egeo ng Sinaunang Gresya. Tanging si Sappho lamang ang nag-iisang babaeng manunula mula sa kanyang kapanahunan na naaalala sa ngayon.[3]
Sappho | |
---|---|
Kapanganakan | 7th dantaon BCE (Huliyano)
|
Kamatayan | 570 BCE (Huliyano)
|
Trabaho | makatà,[1] kompositor,[2] may-akda, manunulat |
Asawa | unknown |
Bahagya lamang ang nalalaman hinggil kay Sappho, subalit nalalamang nagmula siya sa isang marangal na mag-anak at tumanggap ng edukasyon. Nagkaroon siya ng isang anak na babaeng pinangalanang Cleis. Halos nakalimutan na siya sa loob ng ilang mga daantaon, ngunit naging tanyag siya noong kanyang sariling panahon kaya't inilagay ang kanyang wangis sa mga baryang pera at mga plorera. Ginaya ng maraming iba pang mga makata ang kanyang estilo sa pagtula.[3]
Karamihan sa mga gawa ni Sappho na mga sulat ang may kaugnayan sa mga tula ng pag-ibig na nakatuon sa iba pang mga kababaihan. Tinipon ang mga ito mula mga 300 BK magpahanggang 200 BK. Ngunit iilang mga piraso na lamang ang natira pagsapit ng ika-8 at ika-9 na mga daantaon.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.