From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang salungatang Israeli–Palestino ay isang kasalukuyang nagpapatuloy na salungatan sa pagitan ng Israel at ng Palestina.[1] Bahagi ito ng mas malawak pang salungatang Israeli–Arabe. Marami nang tangka ang isinagawa upang mapasang-ayunan ang isang kalutasang dalawang-istado, kung saan maitatatag ang isang istadong Palestino karatig sa Israel. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga Israeli at Palestino, ayon sa mga poll, ang higit na ninanais ang kalutasang dalawang-istado kung ihahambing sa ibang mga kalutasan bilang pamamaraan ng paglunas sa salungatan.[2][3][4] Karamihan sa mga Palestino ang tumatanaw sa Kanlurang Pampang at sa Gaza bilang mga bubuo ng kanilang kinabukasang istado, na tinatanggap din ng karamihan sa mga Israeli.[5] Mayroong ilang mga akademikong nagtataguyod ng kalutasang isang-istado, kung saan ang lahat ng Israel, Gaza, at ang Kanlurang Pampang ay magiging bahagi ng isang pluralistang istado na nagkakaloob ng pantay-pantay na karapatan para sa mga mamamayan nito.[6][7] Gayumpaman, mayroong mararaming di-pagkakasundo hinggil sa hugis ng isang pinal na kasunduan at gayundin sa antas ng tiwala na natatanaw ng bawat panig sa kabila sa pagtibay nito ng mga saligang pangako.[8]
Maraming itinatag na media watchdog na layuning bantayan ang midiya sa anumang makita nilang kinakikilingan, totoo man o hiwatig. Dalawa na rito ang Palestine Media Watch[9] at ang HonestReporting.[10]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.