From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang muling pagkabuhay o resureksyon ay ang pagbabalik na may buhay pagkaraang mamatay.[1] Maaari rin itong tumukoy sa pagbabalik sa isang dating gawain, silbi o gamit ng isang tao, nilalang, o bagay. Katumbas din ito ng muling pagsilang. Sa Kristiyanismo at Hudaismo, kaugnay ito ng muling pagkabuhay ni Hesuskristo at ng pagkabuhay ng mga patay sa Araw ng Paghuhukom.[2] Bilang apelyido sa buong pangalan ng tao, binabaybay itong Resurrecion na hango mula sa salitang Kastilang resurección para sa "pagkabuhay na mag-uli" ng katawan.
Sa Katolisismo, Kristiyanismo batay sa Bibliya, ang muling pagkabuhay ni Hesus ang susi ng tagumpay laban sa kamatayan at patunay na siya ang mesiyas. Dumating ang kamatayan sa mundo dahil orihinal na kasalanan ni Adan, ngunit iniangat ni Hesus ang mga tao mula sa kamatayan bilang isang tanda ng kapangyarihan ng Diyos sa ibabaw ng mga kasalanan. At dahil sa pagkabuhay na muli ni Hesus, nagkaroon ng bagong buhay ang mga tagasunod ni Hesus. Muli pa ring babangon ang mga tagasunod na ito ni Hesus, na may bagong mga katawan, kapag nagbalik na si Hesus sa mundo. Sa Huling Muling Pagkabuhay, babangon ang lahat ng mga tao upang husgahan ng Diyos.[1] Tumataguri naman ang pariralang "unang muling pagkabuhay" sa ang pagbangon mula sa kasalanan na susundan ng pamumuhay sa biyayang nagpapabanal.[3]
Sa Mitolohiyang Griyego, maraming babae at lalake ang naging imortal nang sila ay buhayin muli sa patay. Si Asclepius ay pinatay ni Zeus upang muling buhayin at gawing isang pangunahing Diyos. Si Achilles pagkatapos mamatay ay dinukot sa kanyang pamburol na apuyan ng kanyang inang Diyos na si Thetis at muling binuhay at naging imortal. Si Memnon ay pinatay ni Achilles na muling binuhay. Kabilang rin sina Alceme, Castor, Heracles, at Melicertes sa mga muling binuhay mula sa patay at naging imortal. Ayon kay Herodotus, si Aristeas ng Proconnesus ay unang natagpuang patay at ang katawang patay ay naglaho sa nakakandadong kwarto. Siya ay natagpuang nabuhay muli at naging imortal.
Ayon kay Justino Martir sa kanyang pagtatanggol ng Kristiyanismo dahil ang ang pagkabuhay na muli ay karaniwan sa sinaunang panahon bago pa ang pagdating ni Hesus:
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.