Ramón Blanco y Erenas

From Wikipedia, the free encyclopedia

Si Heneral Ramón Blanco, marqués de Peña Plata (18331906) ay naglingkod bilang Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas at administrador ng kolonya. Isinilang sa San Sebastián, ipinadala siya sa Caribbean sa unang pagkakataon noong 1858. Nahimpil siya sa Cuba at sa Santo Domingo, Republika Dominikana. Nopng 1861, nagbalik siya sa Espanya ngunit ipinadala sa Pilipinas (1866-1871).[1] Pagkaraan, muli siyang bumalik sa Espanya at nagsilbi sa Ikatlong Digmaang Karlista, kung saan nakamit niya ang ranggong brigadyer. Nanilbihan siya bilang kapitan-heneral ng Navarre makatapos makilahok sa opensiba sa lambak ng Baztan noong 1876; sa panahon ito niya nakamit ang kaniyang markisate (nasasakupan ng isang markes).[1] Ipinadala siya sa Cuba bilang kapitan-heneral noong Abril 1879, at lumahok sa Maliit na Digmaan ng Cuba. Nanumbalik siya sa Espanya noong Nobyembre 1881 para magsilbi bilang kapitan-heneral ng Catalonia at Extremadura.[1]

Bilang gobernador-heneral, sinubok pigilan ni Ramón Blanco ang pagsasagawa ng parusang kamatayan kay José Rizal noong 1896. Lumaban siya sa mga rebolusyonaryong Pilipino bilang komandante ng hukbong-katihan ng mga Kastila, bago muling manilbihan sa tungkulin sa Cuba.[2]

Sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.