From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Queen Seondeok (Koreano: 선덕여왕; Hanja: 善德女王; RR: Seondeok Yeowang) ay isang dramang pantelebisyon mula sa Timog Korea na unang pinalabas noong 2009. Ginawa ito ng MBC para sa kanilang ika-48 anibersaryo ng pagkatatag. Pinagbibidahan ito nina Lee Yo-won, Go Hyun-jung, Uhm Tae-woong at Park Ye-jin. Ang kuwento ng seryeng ito ay batay sa buhay ni Reyna Seondeok ng Silla.[1] Umere ito MBC mula Mayo 25 hanggang Disyembre 22, 2009 tuwing Lunes at Martes sa 62 mga kabanata.[2] Sa Pilipinas, ipinalabas ito ng GMA Network.
Ang rating o marka ng mga nanonood para sa palabas ay napunta sa itaas ng mga tsart kada linggo noong tumakbo ito, na umabot sa pinakamataas na 44.7 bahagdan.[3] Tinangay nito ang MBC Drama Awards noong 2009; sa kalaunan, nanalo ang artistang si Go Hyun-jung sa kanyang pagganap at natanggap ang grandeng premyo.[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.