Remove ads

Sa larangan ng pisika, ang puwersa (Ingles: force; Kastila: fuerza) o isig[1] ay ang kung ano ang nagbabago o nakapagpapabago sa katayuan ng namamahinga (di-gumagalaw) o gumagalaw (kumikilos) sa isang bagay. Sanhi ang isig ng pagbilis (akselerasyon), pagdaragdag ng kabuoang presyon sa bagay, o pagbabago ng patutunguhan (pagbabago ng direksiyon). Sinusukat ang isig sa pamamagitan ng Newton [isahan] o Newtons [maramihan] (N).

Thumb
Karaniwang inilalarawan ang mga isig (puwersa) bilang mga paghila at pagtulak. Maaaring dahil sila sa mga kababalaghan o likas na kaganapang tulad ng grabedad, magnetismo, o anumang iba pang nakapagsasanhi sa masa para bumilis o magkaroon ng akselerasyon.
Remove ads

Pormularyo

Ayon sa Ikalawang Batas ng Pagkilos ni Isaac Newton, ito ang pormula sa paghahanap ng halaga ng isig:

kung saan ang ang kabuuang isig o puwersa (force),
ang masa (bunton o salansan)[2] ng isang bagay,
at ang bilis (akselerasyon) ng bagay.

Kapag may naghanda o nagharap sa para sa g (grabedad, katindihan[3], pamantayang katindihan, o standard gravity), mayroon pang isang pormulasyong makukuha:

kung saan ang ang timbang o bigat (weight) ng isang bagay isang lokasyon ,
ang masa ng isang bagay,
at ang bilis o akselerasyon dahil sa o sinanhi ng grabedad sa antas ng dagat. Tinatayang mayroon itong mga .

Isang bektor (vector) ang isig, kaya't mayroon itong kalakihan[4] (magnitud, magnitude, sakop, saklaw o laki, laki o lawak ng sakop) at patutunguhan (direksiyon). Ito ang mismong kahulugan ng bektor: isang bagay (sa heometriya) na may magnitud at direksiyon.

Remove ads

Kahulugan at paglalarawan

Sa halip na sabihin ng magkahiwalay ang pagtulak at paghila, mas madaling gamitin ang mga salitang isig o puwersa para sa dalawa (pagtulak + paghila = isig o puwersa).[5]

Halimbawa, sa pamimisikleta ng isang tao, gumagamit ang namimisikleta (nakasakay) ng isig para sa mga pedal o padyakan ng bisikleta kapag paakyat ng pataas na daan o maging sa patag na daanan man. Sa katotohanan, itinutulak ng nagpapaandar na tao ang mga padyakan pababa, subalit binabago ng mga tanikala at mga engrenahe ang pagtulak na ito paayon sa anyo ng dinadaanang kalsada. Ngunit kung sakali lamang na tabunan ng may-ari ng bisikleta ng maraming mga kahoy, kung kaya't hindi na niya ito mahila o maitulak man lang, wala siyang nagagawang trabaho o gawain. Walang resultang gawa o walang nagawa ang may-ari ng bisikleta bagaman gumamit ng isig na pahila o patulak. Ang resulta: mapapagod lamang ang may-ari ng bisikleta.[5]

Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.

Remove ads