Bahagi ng braso sa pagitan ng babang parte ng braso at ng kamay From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa anatomiya ng tao, ang galanggalangan o punyos ay ang nahuhutok o nababaluktot ngunit hindi nababali at mas makitid na hugpungang nasa pagitan ng braso o bisig at ng palad. Ito ang sugpungan na nagdurugtong sa pang-ibabang baraso at sa kamay. Sa kapayakan, isa itong pinagdalawang hanay ng maliliit at maiiksing mga butong tinatawag na mga karpal, na pinagkabitkabit upang makabuo ng isang nababagong bisagra. Binabaybay din itong galang-galangan o galang-galangin. Tinatawag din itong pulso. Ito ang bahagi ng kamay na pinagpupulsuhan.[1][2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.