Si Papa Ponciano o Pontianus ang ika-18 Papa ng Simbahang Katoliko Romano na namuno mula 21 Hulyo 230 CE hanggang 28 Setyembre 235 CE. Siya ang unang papang Romano Katoliko na nagsuko ng pagkapapa.
Papa San Ponciano | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | 21 July 230 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 28 September 235 |
Hinalinhan | Urbano I |
Kahalili | Antero |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Pontianus |
Kapanganakan | unknown |
Yumao | October 235 Sardinia, Roman Empire |
Bibliyograpiya
Ang kanyang pagkapapa ay relatibong mapayapa sa ilalim ng paghahari ni Emperador Severus Alexander at mapapansin sa pagkokondena kay Origen ng isang synod na Romano na malamang ay naunahan ni Ponciano. Gayunpaman, binaliktad ni Emperador Maximinus Thrax ang patakaran ng pagpayag sa Kristiyanismo. Sina Ponciano at Hipolito ng Roma ay parehong dinakip at pinatapon sa pagtatrabaho sa mga minahan ng Sardinia.[1]
Dahil sa kanyang pagkasentensiya, kanyang isinuko ang kanyang pagkapapa noong 28 Setyembre 235 CE upang maiwasan ang kawalang kapangyarihan ng pagkapapa. Ang parehong sina Hipolito at Ponciano ay hindi nakaligtas. Si Ponciano ay namatay noong Oktubre 235 CE.[2]
Mga sanggunian
Panlabas na kawing
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.