From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang plosibo, plowsib[1][2] o pigil (Ingles: plosive o stop, sa diwa ng "paghinto") ay isang paraan ng artikulasyon o pagbikas ng tunog (manner of articulation). May mga tunog na nalilikha sa pamamagitan ng pagpigil ng daloy ng hangin sa mula sa baga hanggang bibig sa tulong ng mga bahagi ng bibig. Ang mga karaniwang tunog na plosibo o pigil sa mga wika sa Pilipinas ay ang tunog na mga /p/, /b/, /t/, /d/, /k/ at /g/.
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (walang petsa) |
Ang mga nasabing tunog ay maaaring i-grupo ayon sa katangian nilang plosibo o pigil. Ang mga tunog na ito ay maaari pang hatiin sa tatlong grupo ayon sa punto ng artikulasyon o pagbikas. Ang mga tunog na /p/ at /b/ ay mga tunog na plosibo o pigil na “bilabial” (dalawang labi) . Nalilikha ang mga tunog na ito sa pamamagitan ng pansamantalang pagpigil ng daloy hangin gamit ang pares ng labi at biglaang pagbuga nito ng hangin.
Ang mga tunog na /t/ at /d/ ay mga tunog na plosibo o pigil na “interdental” (sa pagitan ng mga ngipin). Nalilikha ang mga tunog na ito sa pamamagitan ng pansamantalang pagpigil ng daloy ng hangin sa pamamagitan ng pag-ipit ng dila sa pagitan ng harap na bahagi ng ngipin, at biglaang pagbuga nito ng hangin.
Ang mga tunog na /k/ at /g/ ay mga tunog na plosibo o pigil na “velar” (likod na bahagi ng bubong ng bibig). Nalilikha ang mga tunog na ito sa pamamagitan ng pansamantalang pagpigil ng daloy ng hangin gamit ang likod na bahagi ng bubong ng bibig at ng likod na bahagi ng dila, at biglaang pagbuga nito ng hangin.
Ang dalawang pares ng tunog sa bawat punto ng artikulasyon ay napag-iiba sa pamamagitan ng pagtukoy sa “voice” o boses nito. Ang isang tunog ay “voiced” o matunog kung kapag binigkas ito ay lumilikha ng ugong o “vibration” sa ngala-ngala kapag hinawakan ito. Ang tunog naman ay “voiceless” o tahimik kung hindi ito lumilikha ng ugong. Ang mga tunog na /p/, /t/ at /k/ ay tahimik o voiceless, at ang /b/, /d/, at /g/ ay matunog o voiced.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.