Si Pinky Webb (buong pangalan: Joanna Marie Pagaspas Webb) ay isang Pilipinang mamamahayag, tagapaghatid-balita at TV host.
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Setyembre 2017)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Setyembre 2017) |
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (Nobyembre 2010) |
Talambuhay
Si Pinky Webb ay ipinanganak noong ika-11 ng Hunyo, 1970 sa lungsod ng Makati. Siya ay anak ng sikat na basketbolista, artista, komedyante at dating senador na si Freddie Webb at Elizabeth Pagaspas Webb. May lima siyang kapatid na sila Michael Marybeth, Fritz, Hubert and Jason. Siya ang pang-lima sa magkakapatid.
Nag-aral siya sa San Agustin School mula primarya hanggang sekondarya na kabatchmate nina Kris Aquino at Karen Davila.Nag-aral siya ng kolehiyo sa De La Salle University kung saan nagtapos siya ng kursong Business Management. Minsan din siya nag-aral sa Cal State Long Beach sa California at kumuha ng kursong Journalismo ng anim na buwan matapos siya sumubok pumasok sa larangan ng brodkasting nang magtapos ito sa La Salle.
Karera (Larangan)
Nagsimulang pumasok sa telebisyon si Pinky sa ABC bilang advisory anchor. Pansamantala niyang iniwan ang pinasok na larangan nang mag-aral muli siya sa Amerika. Bumalik siya sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang karera niya sa telebisyon. Pumasok siya sa ABSCBN bilang news advisory anchor. Kasabay noon, naging bahagi siya ng Sarimanok News Network (ngayon ay ANC) bilang tagapaghatid-balita kasama si Frankie "Ka Kiko" Evangelista (SLN). Nagkaruon din siya ng sariling programang "Uptown", isang lifestyle show na namayagpag ng walong linggo.Sa radyo, nagkaruon din siya ng programa kasama ang una niyang kaparehong si Atty. Salvador Panelo sa Pasada Sais Trenta Sabado. At lumipas din ng taon, nakasama naman niya ang aktor na si Edu Manzano na napabalitang nobyo niya sa totoong buhay. Isa rin siya sa tagapaghatid-balita sa "Radyo Patrol Alas Kuwatro kasama si Angelo Palmones, Vic De Leon Lima (dating partner) at Alex Santos (kasalukuyang anchor kasama ang humalili na sa kanyan bagong Kapamilya na si Jasmin Romero). At naging bahagi ng programang pangkomentaryo sa umaga kasama si Ricky Carandang na ang "Opinion" na pansamantalang umere at pinalitan ang "Tambalang Failon at Sanchez" hanggang sa makabalik si Ted Failon sa radyo.
Sa Kasalukuyan, siya ang tagapaghatid-balita sa noontime newscast ng ANC ay "Dateline Philippines" kasama sina Ricky Carandang (orihinal na kapareha) at Tony Velasquez (kasalukuyan at pumalit kay Ricky matapos magresign dahil tinanggap nito na maging bahagi ng Communication Group ni Pangulong Aquino). At isa sa mga hosts ng "Umagang Kay Ganda" Bahagi rin siya bilang isa na nirerepstong investigative journalist sa programang "XXX - Exklusibong, Explosibong, Expose kasama sina Julius Babao at Anthony Taberna.Nakaraan din isang taon, siya ang humalili kay Korina Sanchez sa "Tambalang Failon at Sanchez" na lumipas rin ng taon ay napalitan ito na "Tambalang Failon at Webb".Naging regular na humahalili sa mga babaeng news anchors na absent or may importanteng assignments. Mahalaga ang naging papel niya sa mga special events ng ABSCBN tulad ng Poll Auntomation Forum at The Manila Forum with Hillary Clinton.
Mga Parangal at Pagkilala
Bahagi rin siya ng pagkilala sa Bandila bilang unang nominasyon ng Pilipinas sa International Emmy Awards spearheaded by the International Academy of Television Arts and Sciences sa pag-uulat niya sa Subic Bay Rape Case. Isa rin siya sa nanalo maging ang mga kasamahan sa Umagang Kayganda bilang "Best Morning Show Host". At nitong matapos ang taon (2010), tinanghal bilang "Best Female Morning Show Host" sa 1st Media Newser Philippines or MNP Awards kasabay ng pagkatanghal sa kanyang moring show na "Umagang Kay Ganda" Bilang "Best Morning Show"
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.