From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga Pastun (Pastun: پښتون Paṣ̌tun, Pax̌tun, na may anyo ng pagbabaybay din na Pushtun, Pakhtun, Pukhtun), tinatawag ding Pathan[1] (Urdu: پٹھان, Hindi: पठान Paṭhān) o etniko o katutubong mga Apgano,[2] ay isang pangkat na etnolingguwistikong Silanganing Iranyano na may populasyong pangunahing nasa Apganistan, Lalawigan ng Hilaga-Kanlurang Panimulaan, Pederal na Pinangangasiwaang mga Lugar na Matribo, at sa Lalawigang Balochistan ng Pakistan. Karaniwang katangian ng mga Pastun ang kanilang paggamit ng wikang Pashto at ang pagsasagawa ng Pashtunwali, na isang sinaunang nakaugaliang pamumuhay sa pamamagitan ng mga kodigong natatangi na napanatili hanggang sa makabagong panahon.[3]
Binubuo ang lipunang Pastun ng maraming mga tribo at mga angkan na hindi pampolitika na nagkakaisa[4] hanggang sa pagbangon ng Hotaki at Durrani noong ika-18 daang taon.[5] Nagkaroon ng mahalagang papel ang mga Pastun noong panahon ng Dakilang Laro mula ika-19 daang taon hanggang ika-20 daang taon nang malagay sila sa pagitan ng mga disenyong imperyalista ng mga imperyong Britaniko at Ruso. Sa loob ng mahigit sa 300 mga taon, namuno sila bilang nangingibabaw na pangkat etniko sa Apganistan, na halos lahat ng mga pinuno ay isang Pastun. Sa mas kamakailan lamang, nakatanggap ng pagpansing pandaigdigan ang mga Pastun noong ng Digmaang Sobyet sa Apganistan ng dekada ng 1980, at sa pagbangon at pagbagsak ng Taliban, dahil sila ang pangunahing etnikong mga pangkat ng kinatawan sa kilusan. Isa ring mahalagang pamayanan sa Pakistan ang mga Pastun, kung saan nakamit nila ang Pagkapangulo, matataas na mga tungkulin sa militar, at bilang pangalawang pinakamalaki ang bilang nga pangkat etniko.[6]
Ang mga Pastun ang pinakamalaking patriyarkal na segmentaryong linya ng pangkat etniko sa mundo.[7] Tinayang nasa bandang 42 mga milyon ang kabuoang populasyon ng pangkat, subalit hindi pa rin makakuha ng tiyak na bilang dahil sa kawalan ng opisyal na senso sa Apganistan magmula pa noong 1979.[8] Mayroong pagtatayang 60 pangunahing mga tribong Pastun at mahigit sa 400 na kabahaging mga angkan ang mga taong Pastun.[9]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.