Ang Kapuluang Peroe o Mga Pulo ng Peroe (sa Wikang Perowes: Føroyar, sa Wikang Danes: Færøerne, sa Nynorsk: Færøyane, sa Bokmål: Færøyene, sa Matandang Norse/Wikang Islandes: Færeyjar; literal na "Kapuluan ng mga batang tupa") ay isang grupo ng mga isla na nasa pagitan ng Dagat ng Noruwega at Hilagang Karagatang Atlantiko, mahigit kumulang sa gitna ng Eskosya at Lupangyelo. Ang Kapuluan ng Peroe ay parte ng Kaharian ng Dinamarka, kasama na ang Dinamarka mismo at ang Lupanlunti.
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Kapuluang Peroe Føroyar Færøerne | |
---|---|
Awiting Pambansa: Tú alfagra land mítt Thou, my most beauteous land | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Tórshavn |
Wikang opisyal | Perowes, Danes |
Pangkat-etniko | 91.7% Peroes 5.8% Danes 0.4% Icelanders 0.2 % Noruwego 0.2% Poles |
Katawagan | Faroese |
Pamahalaan | Parlamentaryong demokrasya sa loob ng isang monarkiyang konstitusyonal |
• Monarkiya | Frederik X |
• Mataas na Komisyonero | Dan M. Knudsen |
• Punong Ministro | Aksel V. Johannesen |
Autonomong lalawigan ng Kaharian ng Dinamarka | |
• Pamumunong pangtahanan | 1 Abril 1948 |
Lawak | |
• Kabuuan | 1,399 km2 (540 mi kuw) (180th) |
• Katubigan (%) | 0.5 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa Pebrero 2009 | 48 797 (ika-202) |
• Senso ng 2007 | 48,500 |
• Densidad | 35/km2 (90.6/mi kuw) (ika-176) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2006 |
• Kabuuan | $2.2 bilyon (hindi nakaranggo) |
• Bawat kapita | $45,250 (2006 tinataya) (hindi nakaranggo) |
TKP (2006) | 0.9431 napakataas · ika-15 |
Salapi | Kronang Perowes² (DKK) |
UTC+1 (EST) | |
Kodigong pantelepono | 298 |
Internet TLD | .fo |
|
Ang Kapuluang Peroe ay naging probinsiyang awtonomo ng Dinamarka simula 1948. Ang mga Peroes, habang tumatagal, ay nakuha na ang karapatan sa maraming mga bagay, ang iba ay responsibilidad pa rin ng Dinamarka, tulad ng depensa (ngunit may sarili silang coast guard o bantay sa dalampasigan), ugnayan panlabas at batas.
Ang mga Peroes ay may malakas na ugnayan sa Islandia, Noruwega, Shetland, Orkney, ang Panlabas na Hebrides at Lupanlunti. Ang kapuluan ay nahiwalay nang pampolitika mula sa Noruwega noong 1814. Ang Peroes ay nagrerepresenta ng Nordikong Konseho bilang parte delegasyon ng Dinamarka.
Mga rehiyon at munisipalidad
Ang Kapuluan ng Peroe ay nahahati sa 34 na munisipalidad at mahigi kumulang na 120 na mga siyudad at mga bayan.
Nahahati ang Kapuluan ng Peroe sa anim na rehiyon: Norðoyar, Eysturoy, Streymoy, Vágar, Sandoy at Suðuroy.
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.