Buong istraktura ng isang tao From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang katawan ng tao ay ang buong kayariang pangkatawan o pisikal ng isang organismong tao. Isang bagay ang katawan na maaaring masaktan o mawalan ng buhay. Nagtatapos ang mga tungkulin nito kapag sumapit ang kamatayan. Kinabibilangan ang katawan ng tao ng ulo, leeg, punungkatawan, dalawang bisig, at dalawang binti. Isa sa mga natatanging katangian ng katawan ng tao ang pagiging buhay o pagkakaroon ng buhay.[1]
Pangkaraniwang taas ng isang nasa edad nang lalaking tao ang mga 1.8 metro (6 talampakan) at nasa mga 1.6 hanggang 1.7 metro ang isang nasa gulang na babaeng tao. Naaayon ang taas na ito sa diyeta o mga kinakain ng tao at, pangalawa, sa hene. Naiimpluwensiyahan ng nutrisyon at pagsasanay ang uri ng katawan at komposisyon ng katawan. Sa pagsapit ng tao sa kaniyang tamang edad, naglalaman na ang katawan ng malapit sa 100 trilyong (100,000,000,000,000) selula, ang pinakapayak o basikong yunit ng buhay. Magkakatulong at magkakasamang kung gumawa ang mga pangkat ng mga selula para bumuo ng himaymay, na nagsasamasama naman para buuin ang mga laman-loob, na sila namang nagtitipun-tipon para mabuo ang sistema ng mga organo.
Sa ilang mga gawi, katulad ng isang makina ang katawan ng tao, sapagkat kailangan ng katawan ang enerhiya. Nangangailangan ang makina ng gasolina, samantalang kailangan naman ng katawan ang pagkain. Subalit mas nakahihigit ang katawan kesa makina, sapagkat napagbabago ng katawan ang pagkain upang maging nabubuhay na mga materyal. Dahil sa pagkain, lumalaki, tumataas at umuunlad ang katawan, isang katangiang hini magagawa ng isang makina. Maaaring makadama ang mga makina: nakakakita ang mga kamera at natututo ang mga kompyuter, subalit walang pandama ang mga makina, isang katangiang mayroon ang tao. Nakakadama ang mga tao, nakakatanaw, nakapag-iisip, at natututo. May kakayahan din ang katawan ng taong gamutin at "kumpunihin" ang mga sirang bahagi nito. Nakalilikha din ng bagong buhay ang katawan ng tao.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.