Sakit sa ibaba ng likod

sakit From Wikipedia, the free encyclopedia

Sakit sa ibaba ng likod
Remove ads

Ang pananakit ng ibabang bahagi ng likuran ay bakasakaling isang banta o hudyat ng umiiral na karamdaman na may kaugnayan sa buto, kalamnan, ugat, o kasu-kasuan ng ibabang bahagi ng likuran ng katawan ng tao.[1]

Agarang impormasyon ICD-10, ICD-9 ...
Remove ads

Mga sanhi

Kabilang sa mga nagdudulot ng pananakit ng pang-ibabang bahagi ng likuran ang labis na paggamit nito, maling puwesto ng katawan (maling paggamit ng pang-ibabang likod na nagdudulot ng kapaguran ng kalamnan, buto, at kasu-kasuang nasa bahaging ito ng katawan), pagsakop ng mikrobyo o impeksiyon, kanser, pagkaipit ng ugat (nerve infringement), at rayuma sa buto (osteoarthritis).[1]

Mga hudyat

Ang mga hudyat ng pananakit ng pang-ibabang bahagi ng likuran ang paninigas ng kalamnan, pamamanhid, panghihina, pagkawala ng pagtaban sa pag-ihi at pagdumi, hirap sa pagtulog, kadaliang mapagod, pagkabagabag, panlulumo (depresiyon), paglala ng hapdi tuwing nagbubuhat ng bagay, gumiginhawa tuwing nagpapahinga, at pananakit ng mga hita na kumakalat pababa ng salap.[1]

Pag-iwas

Maiiwasan ang pananakit ng ibabang bahagi ng likuran sa pamamagitan ng pagbubuhat ng mga bagay sa wastong paraan (nakabaluktot ang tuhod habang pinananatiling tuwid ang likuran sa pagbuhat ng bagay; pananatiling malapit ng buhat na bagay sa katawan; at pagtulak kaysa paghila ng bagay). Nakatutulong din ang tamang tindig ng katawan, tulad ng paggamit ng mga babae ng mga sapatos na patag, [a] at kung kailangang magsuot ng sapatos na may takong, mainam ang pagsusuot ng mga sapatos na mayroong[b] mababang takong lamang (katumbas ng o mas mababa kaysa sa 1 pulgada). Kung kailangan maupo ng matagal, tulad ng habang naglalakbay na lulan ng isang sasakyan, mahalaga ang pagsasagawa ng pag-uunat-unat. Kaugnay ng pag-upo, katulad ng habang nasa trabaho, nakatutulong sa pag-iwas ng paghapdi ng likuran ang paggamit ng mga prinsipyo ng ergonomiya, tulad ng paggamit ng mga upuan na mayroong tuwid na sandalan at ang paggamit ng mga upuang mayroong pantaguyod sa ibabang bahagi ng likuran; at pagpapanatili na mataas ng bahagya ang mga tuhod kaysa sa balakang. Kung nakatayo naman, nakatutulong ang pagpapanatiling nasa isang tuwid na guhit ang mga tainga, mga balikat, at ang balakang habang iniiwasan ang pagyuko o pagtingala. Nakatutulong din sa pag-iwas ng pananakit ng likuran ang ehersisyo.[1]

Lunas

Kabilang sa mga paraan ng pagtanggal o pagbawas ng pananakit ng likuran ang paggamit ng ilang mga gawain na ang layunin ay ang mabawasan ang bigat o timbang na nasasalo ng likod at upang mapahinga ang likod: isang paraan ang paghigang nakatihaya sa sahig, na mayroong unan sa ilalim ng mga tuhod (maaring iangat ang mga tuhod sa ibabaw ng isang upuan sa halip na sapinan ang mga ito ng unan) sa loob ng 1 hanggang 2 mga araw, na mayroong kasalit (sa bawat ilang mga minuto) na kaunti at dahan-dahang mga yugto ng mga paglalakad (upang hindi manghina ang mga kalamnan na makapagpapatagal ng pananakit ng likod). Nakatutulong din sa pag-alis o pagbawas ng hapdi ng likod ang pag-inom ng mga gamot na tulad ng paracetamol at ibuprofen.

Remove ads

Paglubha

Mahalaga ang agarang pagpapatingin sa manggagamot kapag lumulubha na ang pananakit ng ibabang bahagi ng likuran. Kabilang sa mga katangian ng malubhang pananakit ng likuran ang 1) hindi pagtalab ng mga iniinom na gamot kagaya ng mga nabibili sa botika; 2) gumagapang na pananakit na umaabot sa hita at iba pang bahagi ng paa; 3) pamamanhid ng hita, paa, mga bahagi ng ari (batay sa kasarian), at ng mga bahaging nasa puwitan; 4) pagkawala ng kakayahang tabanan ang pag-ihi at ang pagdumi; 5) karanasan ng liwag sa paggalaw sanhi ng malubhang pananakit ng likod at ng ibang nadamay na bahagi ng katawan; 6) hindi pagginhawa ng kalagayang ito pagkalipas ng dalawa o tatlong linggo; 7) may kasama na itong pananakit ng dibdib; 8) nakadama na ng biglaang paghina ng salap kabilang ang hita, binti, at paa.[1]

Remove ads

Mga sanggunian

Mga pananda

Loading content...
Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads