From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pambansang Kongresong Bayan[1] (Ingles: National People's Congress, dinadaglat na NPC) ay ang pambansang tagapagbatas ng Republikang Bayan ng Tsina. Ito ang pinakamalaking katawang parlamentaryo sa buong mundo, na binubuo ng 2,987 miyembro.[2] Sang-ayon sa kasalukuyang Saligang Batas ng Tsina, nakabalangkas ang NPC bilang isang unikameral na tagapagbatas, na may kapangyarihang mambatas, pangasiwaan ang pagtakbo ng pamahalaan, at manghalal ng pangunahing pinuno ng estado. Kasama ang Pambansang Komite ng Konsultatibong Komperensiyang Pampolitika ng Bayan (CPPCC), isang katawang konsultatibo kung saan kinakatawan ng mga kinatawan nito ang sari-saring mga grupong panlipunan, isa ang NPC sa pangunahing katawang deliberatibo ng Tsina. Karaniwang tinatawag ang dalawang asamblea bilang Lianghui (Dalawang Asamblea) kapag ito'y pinagsama.[3]
Pambansang Kongresong Bayan 全国人民代表大会 Quánguó Rénmín Dàibiǎo Dàhuì | |
---|---|
Ika-12 Pambansang Kongreso ng Bayan | |
Uri | |
Uri | Unikameral |
Pinuno | |
Tagapangulo | |
Unang Pangalawang Tagapangulo | Li Jianguo |
Kalihim-Panlahat | Wang Chen |
Estruktura | |
Mga puwesto | 2,987 |
Mga grupong pampolitika |
|
Halalan | |
Huling halalan | 5–17 Marso 2013 Unang Sesyong Plenaryo |
Lugar ng pagpupulong | |
Dakilang Bulawagan ng Bayan, Beijing | |
Websayt | |
npc.gov.cn/englishnpc/ |
Hinahalal ang NPC bawa't limang taon. Ginaganap nito ang mga taunang sesyon sa bawa't tagsibol, na karaniwang tumatagal ng 10 hanggang 14 araw, sa Dakilang Bulawagan ng Bayan sa bahaging silanganan ng Liwasang Tiananmen sa Beijing. Karaniwang tinitiyempuhan ang mga pagtitipon ng NPC upang sumabay ito sa mga pagtitipon ng CPPCC, at nagbibigay ang dalawang pagtitipon na ito ng pagkakataon para sa mga pinuno at opisyal ng estado na repasuhin ang mga dating patakaran at magpahayag sa taumbayan ng mga bagong plano para sa hinaharap.
Ginanap ang ikaapat na sesyon ng ika-12 NPC mula 5 hanggang 16 Marso 2016.[4]
Maaaring paniwalaan na nagsisilbing nakatataas na katawan ng kapangyarihan ng estado sa Tsina ang NPC, at ginawaran ito ng bawa't isa sa apat na saligang batas ng Tsina ng napakalakas na kapangyarihan upang mambatas. Sapul ng dekada 1990, nagsilbing porum ang NPC sa pagpapamagitan ng mga kaibahan sa pagitan ng iba't-ibang bahagi ng Partido, pamahalaan at lipunan. Gayunpaman, itinuturing pa rin ito bilang isang sunud-sunuran (rubber stamp) para sa mga desisting ipinasya ng mga katawang tagapagpaganap ng estado at ng Partido Komunista ng Tsina.[5] Isa sa mga kasapi nito, si Hu Xiaoyan, ay nagsalita sa BBC noong 2009 tungkol sa kaniyang kawalan ng kapangyarihan na makatulong sa mga kababayang kaniyang kinatatawanan. Sinabi niya umano na "bilang isang kinatawang parlamentaryo, wala akong tunay na kapangyarihan".[6] Noong 2014, nangako ang naturang kinatawan na siya'y "sasanib nang walang alinlanganan sa pamunuan ng Partido Komunista ng Tsina".[7]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.