Ang Mga Palestino ay ang mga taong Arabo ng Palestina, ng makasaysayang lupaing sakop ngayon ng Israel, ng bahaging Kanlurang Pampang ng Jordan, at ng Piraso ng Gaza, partikular na ang mga Arabong tumatakas mula sa lugar na ito.[1]

Thumb
Isang Palestinong mag-anak mula sa Ramallah, c. 1905.

Kasaysayan

Noong 1947, hinati ng Nagkakaisang mga Bansa ang Palestina upang maging dalawang bansa: isang para sa mga Hudyo at isang para sa mga Arabo. Bago maganap ang paghahati noong Mayo ng 1948, nagkaroon ng pag-aaway ang mga Hudyo at mga Arabo, kaya't maraming mga Arabong tumatakas mula sa Palestina, partikular na ang pagkaraan ng dalawang patayan o masaker (isang pagpaslang sa mga Arabo ng mga Hudyo at isang pagpaslang sa mga Hudyo ng mga Arabo) noong Abril ng 1948. Noong Mayo ng 1948, may mga karatig na bansang Arabong sumubok na wasakin ang bagong Istadong Hudyo ng Israel subalit nabigo ito. Umabot sa 700,000 ang bilang ng mga tumatakas na mga Palestino, na lumagak ang karamihan sa Piraso ng Gaza. Noong 1964, itinatag ang Organisasyon ng Liberasyon ng Palestina (Palestine Liberation Organization o PLO) upang ipaglaban ang karapatan ng mga Arabo sa Palestina. Noong 1984, umabot ang bilang ng tumakas ng mahigit sa 2,000,000. [1]

Tingnan din

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.