kalakal na ginawa sa isang bansa na ibebenta sa ibang bansa From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang luwas o eksport sa kalakalang internasyonal ay isang kalakal na ginawa sa isang bansa na ibebenta sa ibang bansa o isang serbisyong ibinigay ng isang bansa para sa isang nasyonal o residente ng ibang bansa. Tinatawag na tagaluwas o eksportador ang nagbebenta ng mga naturang kalakal o ang nagbibigay ng serbisyo; at tinatawag na tagaangkat o importador ang mga dayuhang mamimili.[1] Kabilang sa mga serbisyong nasa kalakalang internasyonal ang mga serbisyo sa pananalapi, pagtutuos at iba pang serbisyong propesyonal, turismo, edukasyon pati na rin ang mga karapatan sa intelektwal na pag-aari.
Sa pagluluwas ng mga kalakal, madalas na kinakailangan ang pakikilahok ng mga awtoridad ng adwana.
May apat na pangunahing uri ng hadlang sa pagluluwas: hadlang sa motibasyon, sa impormasyon, sa pagpapatakbo/kakayanan, at sa kaalaman.[2][3]
Ang mga hadlang sa kalakalan ay mga batas, regulasyon, patakaran, o gawi na nagpoprotekta ng mga produktong gawa sa loob ng bansa mula sa dayuhang kompetisyon. Habang may katulad na epekto paminsan-minsan ang mga paghihigpit sa mga negosyo, hindi itinuturing na hadlang sa kalakalan ang mga ito. Ang mga pinakakaraniwang hadlang sa kalakalang panlabas ay mga hakbang at patakaran na ipinataw ng pamahalaan na naghihigpit, pumipigil, o humahadlang sa internasyonal na pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo.[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.