From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang sakit o karamdaman ay anumang kalagayan na hindi pangkaraniwan sa katawan o isipan, o kaya dahil sa pagkabalisa o kapighatian ng tao, pati na rin sa mga ibang taong kilala niya. Kung minsan maluwag na ginagamit ang termino para sa sugat, kapinsalaan, kapansanan, mga palatandaan ng sakit, hindi pangkaraniwan na asal, at mga pagkakaiba-iba ng pagkakayari at tungkulin. Sa ibang gamit ng termino, maaring tangapin ito na mga kaurian ng sakit.
Patolohiya ang tawag sa pag-aaral ng tungkol sa sakit. Tinatawag na "nosolohiya" ang paksa ng sistemang kaurian. Medisina ang katawan ng kaalaman tungkol sa at pagpapagamot ng mga sakit. Nagaganap ang pagkakalantad sa karamdaman sa pamamagitan ng tuwirang pagkakaharap o pagkakahipo sa isang taong may sakit o kapag gumamit ng bagay na kontaminado ng mikrobyo ang isang taong walang sakit (katulad ng mga gamit ng may sakit na tao).[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.