From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang paggasta ng pamahalaan(Ingles: government spending o government expenditure) ay kinabibilangan ng lahat ng konsumpsiyon ng pamahalaan at pamumuhunan ngunit hindi kabilang ang mga kabayarang paglilipat na ginagawa ng estado(bansa). Ang akwisisyon(pagtatamo) ng mga kalakal(goods) at mga serbisyo upang sapatan ang indibidwal at kolektibong(panglahat) na pangangailangan ay inuuri bilang panghuling konsumpsiyong paggasta. Ang mga akwisisyon ng kalakal at serbisyong naglalayon na lumikha ng mga panghinaharap na benepisyo gaya ng pamumuhunan sa mga inprastruktura o paggasta sa mga pagsasaliksik ay inuuri bilang isang pamumuhan ng pamahalaan(grosang nakapirmeng kapital na pormasyon) na karaniwan ay pinakamalaking pampamahalaang grosang kapital na pormasyon. Ang akwisisyon ng mga kalakal at serbisyo ay ginagawa sa pamamagitan ng sariling produksiyon ng pamahalaan gamit ang pwersang manggawa ng pamahalaan, mga nakapirmeng pag-aari at mga biniling mga kalakal at serbisyo para sa mabilising konsumpsiyon o sa pamamagitan ng pagbili ng mga kalakal at serbisyo mula sa mga prodyuser ng pamilihan. Ang mga paggasta ng pamahalaan na hindi akwisisyon ng mga kalakal at serbisyo kundi kumakatawan lamang sa paglipat ng salapi gaya ng mga kabayaran ng panlipunang seguridad ay tinatawag na kabayarang paglilipat. Ang paggasta ng pamahalaan ay maaaring mapondohan sa pamamagitan ng seignorage, mga buwis(taxes) na ibinabayad ng mga mamamayan ng bansa o pag-utang ng pamahalaan.
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.