Si Pío Valenzuela (11 Hulyo 1869–6 Abril 1956) ay isang doktor, at bayaning Pilipino na isa sa mga pinuno ng Katipunan na lumaban sa mga Kastila noong Panahon ng Himagsikan. Ipinangalan sa kanya ang Lungsod ng Valenzuela na matatagpuan sa hilagang Kalakhang Maynila.
Pío Valenzuela | |
---|---|
Gobernador ng Bulacan | |
Nasa puwesto 1921–1925 | |
Nakaraang sinundan | Juan Carlos |
Sinundan ni | Restituto Castro |
Ehekutibong Panlalawigan ng Bulacan | |
Nasa puwesto 1902–1919 | |
Pangulo ng Dibisyon ng Militar ng Munisipalidad ng Polo | |
Nasa puwesto 1902–1919 | |
Pangulo ng Munisipal ng Polo | |
Nasa puwesto 1899–1901 | |
Nakaraang sinundan | Rufino Valenzuela Cabeza de barangay (Panahon ng Kastila) |
Sinundan ni | Nemencio Santiago |
Pangkalahatang Manggagamot ng Kataas-taasang, Kagalang-galang Katipunan | |
Nasa puwesto 1895–1898 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | 11 Hulyo 1869 Polo, Bulacan |
Yumao | 6 Abril 1956 86) Polo, Bulacan, Pilipinas | (edad
Asawa | Marciana Castro |
Propesyon | Doktor ng Medisina |
Sinulat niya ang kanyang mga alaala ng Himagsikan noong dekada 1920, ngunit may mga dalubhasa sa kasaysayan ang naging maingat sa kanyang awtobiyograpiya dahil may ilang mga hindi tugma sa kanyang bersiyon ng mga pangyayari, partikular sa pagpulong niya kay José Rizal sa Dapitan noong 1896.
Si Valenzuela ang unang alkalde (rehimeng Amerikano) ng munisipalidad ng Polo (Lungsod ng Valenzuela ngayon) mula 1899 hanggang 1900 bago naging gobernador ng lalawigan ng Bulacan mula 1921 hanggang 1925.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.