Périgueux
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Périgueux (Pagbigkas sa Pranses: [peʁiɡø] ( pakinggan); Occitan: Peireguers [pejɾeˈɣɥes, pejɾeˈɡœː] o Periguers [peɾiˈɣɥes, peɾiˈɡœː]) ay isang komyun sa Departamento ng Dordogne sa Nouvelle-Aquitaine sa timog-kanlurang Pransiya.
Périgueux | ||
---|---|---|
commune of France | ||
| ||
Mga koordinado: 45°11′03″N 0°43′05″E | ||
Bansa | Pransiya | |
Lokasyon | canton of Périgueux-Centre, arrondissement of Périgueux, Dordogne, Nouvelle-Aquitaine, Metropolitan France, Pransiya | |
Pamahalaan | ||
• mayor of Périgueux | Haije v.d Meer | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 9.82 km2 (3.79 milya kuwadrado) | |
Populasyon (1 Enero 2021, Senso) | ||
• Kabuuan | 29,516 | |
• Kapal | 3,000/km2 (7,800/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | UTC+01:00, UTC+02:00 | |
Websayt | http://perigueux.fr |
Ang Périgueux ay ang prepektura ng departamento. Ito rin ang kalakhan ng isang Katolikong Romanong diyosesis.
Hango ang pangalang Périgueux sa salitang Petrocorii, isang Latinisasyon ng salitang Seltiko na nangangahulugang "ang apat na mga – ang mga Galyiko na humawak sa lugar bago ang Romanong paglupig. Kabiserang lungsod nila ang Périgueux. Noong 200 BK, dumating ang Petrocorii mula sa hilaga at nanahan sa Périgueux at nagtatag ng isang kampamento sa La Boissière. Kasunod ng paglusob ng mga Romano, nilisan nila ang kampong ito at nagtatag sila ng pamayanan sa L'Isle, at itinatag ang bayan ng Vesunna. Kalauna'y pinalamuti ang Romanong lungsod na ito ng mga kaaliwan tulad ng mga templo, paliguan, ampiteatro, at isang forum. Pagsapit ng katapusan ng ikatlong dantaon PK, pinalilibutan ng mga muralya o pader ang Romang lungsod, at pinangalanang Civitas Petrocoriorum ang bayan.
Noong ika-10 dantaon, itinayo ang Le Puy-Saint-Front sa paligid ng isang abbey kasunod ng isang lumang Galyiko-Romanong lungsod. Ibinuo itong munisipalidad noong mga 1182.
Noong taong 1940, karamihan sa mga Hudyo mula Alsace at mga taga-Alsace ay lumikas sa Périgueux.
Dumadaloy ang Isle sa Périgueux.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1793 | 9,898 | — |
1800 | 5,733 | −42.1% |
1806 | 6,306 | +10.0% |
1821 | 8,452 | +34.0% |
1831 | 8,956 | +6.0% |
1836 | 11,576 | +29.3% |
1841 | 12,187 | +5.3% |
1846 | 11,455 | −6.0% |
1851 | 13,547 | +18.3% |
1856 | 16,291 | +20.3% |
1861 | 19,140 | +17.5% |
1866 | 19,633 | +2.6% |
1872 | 19,956 | +1.6% |
1876 | 24,169 | +21.1% |
1881 | 25,969 | +7.4% |
1886 | 29,611 | +14.0% |
1891 | 31,439 | +6.2% |
1896 | 31,313 | −0.4% |
1901 | 31,976 | +2.1% |
1906 | 31,361 | −1.9% |
1911 | 33,548 | +7.0% |
1921 | 33,144 | −1.2% |
1926 | 33,389 | +0.7% |
1931 | 33,988 | +1.8% |
1936 | 37,615 | +10.7% |
1946 | 40,865 | +8.6% |
1954 | 40,785 | −0.2% |
1962 | 38,529 | −5.5% |
1968 | 37,450 | −2.8% |
1975 | 35,120 | −6.2% |
1982 | 32,916 | −6.3% |
1990 | 30,280 | −8.0% |
1999 | 30,152 | −0.4% |
2008 | 29,080 | −3.6% |
Ang estasyong daangbakal ng Périgueux ay nagbibigay ng mga koneksiyon sa Limoges, Bordeaux, Brive-la-Gaillarde, at iba pang mga panrehiyon na paroroonan.
Magkakambal ang Périgueux sa:[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.