From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang osono o osona[1] o suob na may kimikal na komposisyon na O3. Ito ay may tatlong atomo ng oksiheno. Hindi katulad ng O2, ang suob nito ay nakakalason sa mga organismo. Ang saping osona o patong na osona (ozone layer) ay isang makabuluhang lugar-ng-suob o patong (layer) na pumipigil sa mga ultrabiyoletang sinag (ultraviolet ray) sa estratospera sa atmospera. Ayon sa mga taong dalubhasa sa agham, ang pagkabutas ng ozone layer ay sanhi ng pagdami ng greenhouse gasses (mga gas sa berdeng bahay) at ang pinaka-epekto nito ay ang pag-init ng daigdig.
Ang osono ay ang unang allotrope ng isang kemikal na malaman ng agham, ay unang minungkahi bilang isang kemikal ni Christian Friedrich Schönbein noong 1840, ay pinalangan mula sa Griyegong salita na ozein na nangangahulugang "amoy", dahil sa kakaibang amoy tuwing may bagyo at kidlat.[2][3]
Ang mga tao ay makakaramdam ng halos 0.01 ppm sa hangin at sila'y magkakaroon ng sakit ng ulo, matang iritable at iritasyon sa paghinga kapag nakaramdam sila ng 0.1 ppm hanggang 1 ppm. [4]
Sa temperaturang -112 °C, ang osona ay bumubuo ng isang itim na ma-asul na likido. Sa temperaturang -193 °C, ito ay namumuo ng isang solidong may kulay na bughaw at lila.[5]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.