From Wikipedia, the free encyclopedia
A samahang hindi pangkalakalan o organisasyong hindi kumikinabang (Ingles: nonprofit organization sa Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian,[1] o not-for-profit organization sa Nagkakaisang Kaharian at iba pa, na kadalasang dinadaglat bilang NPO o payak na bilang nonprofit, o non-commercial organization sa Rusya at CIS, kadalasang dinadaglat bilang NCO), ay isang samahan o organisasyon na gumagamit ng mga sobrang kita upang makamit ang mga layunin nito sa halip na ipamahagi ang mga ito bilang tubo o dibidendo. Ang mga Estado sa Estados Unidos ay umaalinsunod sa designasyon o pagtatalaga ng IRS na iginawad sa ilalim ng Seksiyong 501(c) United States Internal Revenue Code kapag napag-alaman ng IRS na maaaring hirangin ang isang organisasyon.[2]
Habang ang isang samahang hindi pangkalakalan ay pinapayagang lumikha ng sobrang kita, dapat na panatilihin ang mga ito ng organisasyon para sa pagpapanatili ng sarili nito, pagpapalawig, o pagpaplano.[3] Ang mga organisasyong hindi pangkalakalan ay mayroong mga kasaping tumataban o mga lupon. Ang marami ay mayroong binabayarang mga tauhan kabilang na ang mga namamahala, habang ang iba ay humihirang ng hindi inuupahang mga boluntaryo at pati na mga ehekutibo o mga tagapagpatupad na nagtatrabaho na mayroon o walang kabayaran (paminsan-minsang kakaunting bayad lamang).[4] Kapag mayroong kahalip na pambayad, sa pangkalahatan, ginagamit ito upang maabot ang mga pangangailangang pambatas para sa paglulunsad ng isang kontrata sa pagitan ng tagapagpatupad at ng samahan.
Ang pagtatalaga bilang isang samahang hindi kumikinabang at ang paglalayon na makagawa ng pera ay hindi magkaugnayan sa Estados Unidos. Nangangahulugan ito na walang maipapaalinsunod ng pahayag. Hindi malinaw kung pinanghahawakan ito o hindi sa labas ng Estados Unidos. Sa Estados Unidos, ang ganiyang hinuha ay layunin ng Seksiyong 501(c) Internal Revenue Code. Ang saklaw upang makalikha ang NPO ng sobrang kita ay maaaring pilit o maaaring may hangganan ang paggamit ng sobrang kita.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.