From Wikipedia, the free encyclopedia
Noh (能 Nō), or Nōgaku (能楽) ay isang mahalagang anyo ng klasikong musikal na Hapones na drama na tinatanghal na noong pang ika-14 na siglo. Kasama ng halos katulad na kyōgen, lumago ito bilang ng iba't ibang popular, katutubo at aristokartikong anyong sining, kasama na dito ang Dengaku, Shirabyoshi, at Gagaku. Kahit na ang Noh ay pinayaman ng matagal ng maraming siglo, makikitang galing ito sa Nuo, (傩, 戏) ng Dinastiyang Tang, Sarugaku (mula sa mga "musikal ng Wu" na tradisyon ng mga iba't ibang dinastiyang Tsino), at mga katutubong teatriko.
Si Kan'ami at ang kanyang anak na lalaki na si Zeami ang nagbigay ng Noh ng kanyang kasalukuyang anyo noong panahong Muromachi sa ilalim ng pagkalina ng malakas na angkan ng Ashikaga. Mayroon itong malaking impluwensiya sa mga ibang anyong dramatiko gaya ng Kabuki at Butoh. Noong Panahong Meiji, kahit na nawala na ang pagkalina ng pamahalaan, ang Noh at Kyōgen ay opisyal na kinilala bilang dalawa sa tatlong pambansang anyo ng drama.
Sa tradisyon, ang mga aktor at musikero ng Noh ay hindi magkakasama sa pagsasanay. Sa halip ang bawat aktor, musikero at mangaaawit sa koral ay nagsasanay ng kanilang galaw, awit at pagsayaw ng magisa o kaya sa ilalalim ng pagtuturo ng mas nakakatandang miyembro ng kanilang paaralan. Sa gayon, ang tempo ng pagtatanghal ay hindi mula sa kumpas ng iisang nagtatanghal kundi sa mga interaksiyon ng bawat miyembro ng pagtatanghal. Sa pamamaraang ito, pinapakita ng Noh ang tradisyonal na estetiko ng transience na tinatawag na Sen no Rikyu "ichi-go ichi-e".
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Noh " ng en.wikipedia. |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.