Pahayagan
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan.
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang kauna-unahang naimprentang peryodiko ay inilathala noong 1605, at nakikipagsabayan pa rin kahit umusbong na ang mga bagong teknolohiya tulad ng radyo, telebisyon, at ang internet. Dahil sa mga bagong pag-papaunlad sa internet, nagkaroon ng pagsubok sa industriya ng mga peryodiko. Bumaba ang sirkulasyon nito sa mga bansa, kaya't ang iba ay lumilipat mula imprenta patungo sa internet online, na nagdulot ng pagbaba ng kita sa mga peryodiko. May mga lumalabas ng mga prediksiyon na baka lumiit o mawala na ang halaga nito, ngunit batay sa kasaysayan, hindi nalagpasan ng mga bagong teknolohiya tulad ng radyo at telebisyon ang mga nakalimbag na media.
Simula nang maging "journal" (talaan ng pangyayari) ang pahayagan, ang propesyong may kinalaman sa paggawa ng diyaryo ay tinawag na peryodismo.
Sa panahon ng "Dilaw na Peryodismo" noong ika-19 na siglo, madaming pahayagan sa Amerika ay bumase sa mga nakaliligalig na mga kuwento, sinadya ito upang galitin o pukawin ang madla imbes na magbigay impormasyon. ang mahigpit na pamamaraan ng pag-ulat na nakabase sa pagsisiyasat at kawastuhan ay muling sumikat bandang ikalawang pandaigdig.
Ang pamumuna sa peryodismo ay iba-iba at minsan ay marubdob. Ang krebilidad ay pinagdududahan dahil sa mga hindi kilalang pinagmulan, mga mali sa detalye, pagbaybay, at balarila, totoo o kaya natutuklasang hindi patas, at mga alingasngas na may kinalaman sa panunulad at paggawa ng kuwento.
Noon, ang pahayagan ay madalas na pagmamay-ari ng mga makapangyarihang tao, at ginamit ito upang magkaroon ng boses sa pulitika. Pagkatapos ng 1920 halos lahat ng malalaking palimbagan ay naging bahagi ng ugnayang pinalalakad ng malalaking samahan tulad ng Gannett, The McClatchy Company, Hearst Corporation, Cox Enterprises, Landmark Media Enterprises LLC, Morris Communications, The Tribune Company, Hollinger International, News Corporation, Swift Communications, at iba pa.
Pangkalahatan ang nilalaman nito. Kadalasang mga pangkasalukuyang mga balita ang nakalimbag. Maaaring ito ay mga pangyayari sa politika, balita sa ibang bansa, kalakalan, kultura, palakasan, at mga opinyon (alinman sa editoryal, kolum o guhit-larawang pampolitika). Ang mga Peryodiko ay kadalasang gumagamit ng mga larawan upang ipakita ang mga kuwento.
Ang iba pang maaaring ilagay sa peryodiko/pahayagan ay:
Ang pahayagan ay may tatlong pangunahing tungkulin bilang isang uri ng pangmadlang komunikasyon:
1. Magpaalam - Tungkulin ng peryodiko ang ipahayag sa madla ang nararamdaman, nakikita at naiisip ng tao. Ang paghahayag ng katotohan ay dapat umiral. Sa isang paghahayag ng balita ay hindi dapat magkaroon ng bias o pabor sa isang panig lamang. Ang balita ay kailangang tapat at walang kinikilingan. Kailangan na ito'y obhektibo (objective), naaayon sa panahon (timely) at may katuturan (significant).
Bilang isang uri ng komunikasyon, ito'y dapat nagpapaalam ng kaganapan sa publiko at nagsisilbi bilang bantay ng pamahalaan (watchdog of the government).
2. Impluwensiya - Tungkulin ng peryodiko ang bigyan ng sapat na impormasyon ang mga mambabasa upang sila'y makagawa ng sariling opinyon ukol sa mga isyu na kinakaharap ng lipunan. Ang pahayagan rin ay dapat magig daan upang malayang makapagpahayag ng opinyon ang mga indibidwal.
3. Pagpapalaganap ng Komersyo at Industriya - Ang advertising ang nagsisilbing lifeblood ng mga pahayagan. Ngunit kailangang mag-ingat ng tauhang editoryal ng isang pahayagan upang hindi maituring na balita ang isang advertisement. Kinakailangan na may malinaw na pagkakaiba ang balita sa pag-aalok ng isang produkto o serbisyo sa pahayagan.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.