From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Société des Produits Nestlé SA (o Nestlé SA) ay ang pinakamalaking kompanya ng pagkain sa daigdig. Nasa Vevey, Switserland ang punong-himpilan nito. Itinatag noong 1866 ni Henri Nestlé, ito ang pinakamalaking pampublikong kompanyang gumagawa ng pagkain sa mundo, sinusukat ayon sa kita at ibang panukat, simula noong 2014.[1][2][3][4][5] Nakaranggo ito sa Blg. 64 sa talang Fortune Global 500 noong 2017[6] at Blg. 33 sa edisyong 2016 ng talang Forbes Global 2000 ng pinakamalalaking pampublikong kompanya.[7]
Uri | Publiko |
---|---|
Industriya | Pagproseso ng pagkain |
Ninuno | Hollandia |
Itinatag | 1866 |
Nagtatag | Henri Nestlé |
Punong-tanggapan | Vevey, Vaud, Switzerland |
Pinaglilingkuran | Worldwide |
Kita | 94,424,000,000 (2022) |
Kita sa operasyon | 12,326,000,000 (2022) |
Netong kita | 9,270,000,000 (2022) |
Kabuuang pag-aari | 135,182,000,000 (2022) |
Dami ng empleyado | 270,000 (2023) |
Website | www.nestle.com |
Isa sa mga kilalang produkto nila ang Nido na isang pinulbos na gatas na ipinakilala noong 1944 at tinatawag din ito sa Indonesia bilang Dancow at Nespray. Isa pang produkto nila ang Nestlé Chunky na isang bar ng kendi na may tsokolateng gatas, pasas, at inihaw na mani. Bagaman, ginawa ang Nestlé Chunky ng Ferrara Candy Company, isang dibisyon ng Ferrero SpA.[8]
Naikakabit sa kompanya ang iba't ibang kontrobersiya, hinaharap na kritisismo at boykot sa pagmemerkado ng mga pormulang pangsanggol bilang alternatibo sa pagpapasuso sa mga bansang umuunlad (kung saan kakaunti ang malinis na tubig), pag-asa nito sa manggagawang bata sa produksyon ng kakaw, at produksyon at promosyon ng deboteng tubig.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.