From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang NHK World and serbisyo ng NHK para sa pandaigdigang pagsasahimpapawid. Pangunahing pinagtutuunan nito ng pansin ang mga manonood at tagapakinig sa ibayong dagat.
Binubuo ng tatlong serbisyo ang NHK World:
Sumasahimpapawid ang Radio Japan (RJ) sa pamamagitan ng shortwave. Binubuo ng mga balita, impormasyon at mga pang-aliw ang mga programa nito na nakatuon sa Hapon at sa Asya, sa kabuuang 65 oras ng pagsasahimpapawid.
Nagpapatakbo ang RJ ng isang domestikong himpilan
Umuupa rin o nagmamay-ari ang RJ ng mga himpilan sa labas
Nagpapalabas ang NHK World TV ng hindi scrambled na mga programang pambalitaan at impormasyon sa buong mundo sa pamamagitan ng mga satelayt, 24 oras araw-araw. Maaaring makapanood ng libre ang sinuman na may tamang antena at tuner.
Nagpapalabas ang NHK World Premium ng mga programang pambalitaan, impormasyon, pang-aliw, dula, pampalakasan, atbp. sa mga himpilan ng cable at satelayt. Mapapanood lamang ang mga programa kung nakakontrata sa lokal na tagapagbigay ng serbisyo.
Maaaring mapanood ng mga manonood sa Hilagang Amerika at Europa ang TV Japan na nangangailangan lamang ng maliit na antena kaya't mas madaling masagap kaysa NHK World TV. Isa itong serbisyong binibigay ng mga lokal na kinatawan ng NHK sa mga nasabing lugar.
Serbisyong pang-internet ang NHK Online. Ito ang opisyal na pahina ng NHK World sa wikang Ingles at Nippongo. Narito ang ilan sa mga serbisyong nasa NHK Online:
Ang lathalaing ito na tungkol sa Telebisyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.