Ang Stele ni Mesa o Batong Moabita ay isang stele na itinayo noong mga 840 BCE ni Mesa na hari ng Moab. Ito ay nagsasalay kung paanong nagalit ang Diyos ng Moab na si Chemosh sa mga tao ng Moab at ipinahintulot nito ang pagsakop ng Kaharian ng Israel (Samaria) sa loob ng 40 taon. Sa huli, tinulungan ni Chemosh si Mesa na sakupin ang Israel at muling mabawi ang Moab.Ito ay isinulat sa anyo ng wikang Phoenicia na nauugnay sa alpabetong Paleo-Hebreo. Ito ay natuklasan ni Frederick Augustus Klein sa Dibon (ngayong Dhiban, Jordan) noong Agosto 1868. Ayon sa Stele ni Mesa na itinayo ni Mesa, ang Moab ay napailalim kay Omri sa panahon ng ama ni Mesa at ang Moab ay naging basalyo ng Israel nang 40 taon. Ang Stele ni Mesa ay itinayo ni Mesa bilang parangal sa Diyos na si Chemosh sa kanyang mga pagwawagi laban sa Israel na nagtapos noong 850 BCE. Si Mesa ay naghimagsik sa anak ni Omri at muling sinakop ang teritoryo ng Moab at sinakop ang mga dating teritoryo ng Israel, Ayon sa Stele ni Mesa, siya ay naghimagsik sa anak ni Omri. Ang pananakop ng tatlong hari ng Israel ay hindi binanggit sa Stele na ito at sumasalungat sa salasay ng 2 Hari. Halimbawa, ang monarkiya ay itinatag sa Edom pagkatapos ng paghihimagsik sa Juda sa panahon ni Jehoram(2 Hari 8:20-22). Ang paglalarawan sa Edom bilang monarkiya na may sariling hari sa 2 Hari 3 ay anakronistiko. Sa huli lamang ng mga taon ni Mesa nang sakupin at kunin ang mga lugar sa timog ng ilog Arnon.Ang paglalarawan ng isang organisadong kahariang Moabita sa mga lugar ng timog ng Arnon sa maagang mga taon ni Mesa ay mali.Ayon sa 2 Hari 10:33, si Hazael na hari ng Aram ay sumakop sa lahat ng mga lupain ng transhordang Israel hanggang sa Arnon mula kay Jehu. Gayunpaman, ang kabisera ni Mesa na Dibon ay nasa hilaga ng ilog Arnon at ang mga hangganan ng Israel ay hindi maaaring umabot hanggang sa Arnon sa panahon ni Jehu. Sa karagdagan, si Mesa at hindi si Hazazel ang sumakop sa mga lugar ng Israel sa kapatagan ng Moab sa hilaga ng ilog Arnon.[1] Sa karagdagan, ayon sa Bibliya, si Mesa ay basalyo ni Ahab ngunit sa Stele ni Mesa, si Mesa ay basalyo ni Omri at anak nito. Ayon din sa Bibliya, si Mesa ay naghimagsik pagkatapos ng kamatayan ni Ahab ngunit ayon sa Stele ni Mesa, si Mesa ay naghimagsik nang buhay pa si Ahab. [2]

Agarang impormasyon Paglalarawan, Materyal ...
Stele ni Mesa
Thumb
Stele ni Mesa sa Louvre
Paglalarawan
MateryalBasalto
PagsulatWikang Moabita
Petsa
Ginawa840 BCE
Pagkakatuklas
Natuklasan1868–70
Kasalukuyan
NasaLouvre
PagkakilanlanAP 5066
Isara

Tekto ng Stele ni Mesa at Salin

The inscription, known as KAI 181 is pictured to the right, and presented here after Compston, 1919, to be read right to left. [3]:

Thumb
Guhit ng Stele ni Mesa (o Batong Moabita) ni Mark Lidzbarski, inilimbag noong 1898.

Mga sanggunian

  1. Ancient Israel and Historiography, Nadav Na'aman, 2006
  2. Lester Grabbe

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.