Magandang Balita Biblia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Magandang Balita Biblia (MBB, kilala rin bilang Tagalog Popular Version) ay isa sa dalawang pinakabinabahaging salin ng Bibliya sa wikang Tagalog (ang natitirang isa ay tinatawag na Ang Biblia), na unang inilimbag ng Philippine Bible Society noong 1973. Itong salin ng Banal na Kasulatan sa Tagalog ay sumusunod sa tradisyon ng Good News Bible na unang inilimbag ng American Bible Society noong 1966.
Gayunpaman, dapat tinatandaan na ang Magandang Balita Biblia ay hindi isang salin ng Good News Bible kundi isang magkatulad na salin ito. Inilalarawan ang salin sa paggamit nito ng isang payak o pang-araw-araw na wika na pinakaangkop para sa katekismo ng mga bata. Bukod sa iyon, tulad ng tradisyon ng Good News Bible, iilan sa mga sipi nito ay may guhit ng mga pangyayari sa Bibliya na may kaunting teksto.
Sinubukang ring isalin ng Magandang Balita Biblia ang mga bahaging berso ng Bibliya habang pinapanatili ito bilang berso upang mas madali itong kantahin kapag ito ay isinatugtog, 'di tulad ng Ang Bibliya.
Noong 2005, nagsagawa ang Philippine Bible Society ng isang rebisyon ng Magandang Balita Biblia. Sa edisyong ito, pinalitan ang ilang pangalan ng mga aklat:
Pinalitan rin ang ilang mga salita na hindi na ginagamit sa kasalukuyang panahon:
Sa mga Katolikong edisyon, naka-intersperse o nakahalo na sa iba pang mga aklat ng Lumang Tipan ang mga aklat na deuterocanonico, kagaya ng ilang mga Katolikong salin ng Bibliya sa Ingles. Gayunman, nananatiling ang unang edisyon ang opisyal na salin ng Bibliya na ginagamit sa liturhiyang Katoliko.
Dahil iilan lamang ang salin ng Banal na Kasulatan sa Tagalog, madaling naging popular ang Magandang Balita Biblia sa Pilipinas at sa mga dayuhang Pilipino. Ang bersyon nito ng mga Salmo ay ginagamit bilang opisyal na bersyon ng Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon (o Horas Canonicas) sa Tagalog. Malawak rin itong ginagamit ng mga 'di-Katolikong Kristiyano kapag isinasagawa nila ang kanilang pag-aaral ng Bibliya.
Bilang isang Bibliyang para sa lahat, ang paggamit ng unang bersyon ng Magandang Balita Biblia sa liturhiya ay unang ipinagtibay ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas. Ito rin ay ang kinikilalang teksto ng Bibliya ng nakakarami sa mga simbahang gumagamit ng Tagalog sa kanilang liturhiya, tulad ng Iglesia Filipina Independiente, ang Simbahang Anglikano sa Pilipinas at ng iba pang mga simbahan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.