From Wikipedia, the free encyclopedia
Si George Gordon Byron, kalaunang naging George Gordon Noel, ika-6 na Barong Byron ng Rochdale FRS (22 Enero 1788– 19 Abril 1824), mas kilala bilang Ginoo't-Panginoong Byron o Panginoong Byron (Lord Byron sa Ingles) ay isang Britanikong makata at nangungunang tao sa Romantisismo. Kabilang sa higit na kilalang mga gawa ni Byron ang maiikling mga tulang She Walks in Beauty, When We Two Parted, at So, we'll go no more a roving, bilang karagdagan sa naratibong mga tulang Childe Harold's Pilgrimage at Don Juan. Itinuturing siya bilang isa sa pinakadakilang mga makatang Britaniko at nananatiling malawakang binabasa at maimpluwensiya kapwa sa mundong nagwiwika ng Ingles at sa labas nito.
Panginoong Byron | |
---|---|
Kapanganakan | 22 Enero 1788 Londres, Inglatera |
Kamatayan | 19 Abril 1824 36) Messolonghi, Gresya | (edad
Trabaho | Makata, manghihimagsik |
(Mga) nakaimpluwensiya
| |
(Mga) naimpluwensiyahan kay/kina
|
Hindi lamang nasa kanyang mga sulatin nakasalalay ang katanyagan ni Byron, kundi dahil sa kanyang buhay, na nagsasangkap ng pamumuhay sa mataas na kaantasan ng lipunan, maraming mga kaugnayang pampag-ibig, mga utang, at paghihiwalayan. Nilarawan siya ng Kagalang-galang na Babaeng si Caroline Lamb bilang "baliw, masama, at mapanganib na makilala".[1][2] Naglingkod si Byron bilang pangrehiyong pinuno sa Italya ng rebolusyonaryong organisasyong Carbonari, sa pakikibaka nito laban sa Austria. Pagdakang naglakbay siya upang makipaglaban sa Imperyong Otomano sa Griyegong Digmaan ng Kasarinlan, kung saan itinuturing siya ng mga Griyego bilang isang pambansang bayani.[3] Namatay siya dahil sa isang lagnat na nakuha habang nasa Messolonghi sa Gresya.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.