Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Subteraneo ng Londres (Ingles: London Ungerground) o Metro ng Londres ay isang sistemang mabilis na transito na naglilingkod sa isang napakalaking bahagi ng Kalakhang Londres at ng katabing mga lugar ng Essex, Hertfordshire, at Buckinghamshire sa Nagkakaisang Kaharian. Ang unang bahagi ay ibinukas noong 1863 at ito ang kauna-unahang sistemang pangtren sa ilalim ng lupa sa buong mundo [4] at simula noong 1890, ito rin ang kauna-unahang magpagana ng mga tren na pinapagana ng dagitab.[5] Ito ay kadalasang itinatawag bilang "ang Subteraneo" o ang "Tubo"-na humahango sa hugis ng mga deep-bore na lagusan ng sistema sa kabila ng pagkakaroon ng 55% ng hugnayang sistema ay nasa ibabaw ng lupa.
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Overview | |
---|---|
Locale | Greater London, Chiltern, Epping Forest, Three Rivers and Watford |
Transit type | Rapid transit |
Number of lines | 11 |
Number of stations | 270 served (260 owned) |
Daily ridership | 2.95 million (approximate)[1][2] 3.4 million (weekdays) (approximate)[3] |
Operation | |
Began operation | 10/1/1863 |
Operator(s) | Transport for London |
Technical | |
System length | 250 milya (400 km) (approximate)[1] |
Track gauge | 1,435 mm (4 ft 8 1⁄2 in) (standard gauge) |
Ang naunang mga linya o daanan ng pangkasalukuyang Subterraneo ng Londres ay itinayo ng mga ilang mga pribadong kompanya. Bukod sa mga pangunahing linya ng riles, ang mga ito ay naging bahagi ng isang pinagsama-samang sistema ng paglalakbay noong 1933 nang ang London Passenger Transport Board (LPTB) o London Transport ay naitatag. Ang network sa ilalim ng lupa ay naging iisang kinatawan noong 1985 nang ang Pamahalaan ng Nagkakaisang Kaharian ay tinatag ang London Ungerground Limited (LUL).[6] Simula 2003, ang LUL, sa kabuuan ay naging bahagi ng Transport for London (TfL), ang kinatawanang kompanya na may pananagutan sa karamihan ng mga pananaw at aspeto ng pamamaraan ng paglalakbay sa Kalakhang Londres na pinatatakbo ng isang kinatawan at isang komisyoner na hinirang ng Alkalde ng Kalakhang na Londres.[7]
Ang Subterraneo ay may 270 na estasyon[1] at mga 400 km (250 milya) ng daanan.[1] Dahil dito, ito ay ang pinakamahabang sistemang metro sa buong mundo sa haba ng dinaraanan.[8] Ito rin ay ang may pinakamaraming mga estasyon. Noong 2007, mahigit sa isang bilyong pantaong panlalakbay ay naitala.[3] Ito ay ang ikatlong pinaka-abalang sistemang metro sa Europa matapos ang Paris at Moscow.
Ang mapa ng tubo na may sematkong paglalayag na hindi heograpikal at colour-coded na mga linya ay isinasalang-alang bilang isang klasikong disenyo at marami ring mga mapang panlakbay ay nahikayat ng ganitong pamamaraan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.