From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga Lombardo o Langobard (Latin: Langobardī, Italian Longobardi) ay isang tribong Hermaniko na namuno sa Kaharian sa Italya mula 568 CE hanggang 774 CE.
Ayon sa kanilang sariling mga tradisyon, unang tinawag ng mga Lombardo ang kanilang sarili na Winnili. Pagkatapos ng isang naiulat na malaking tagumpay laban sa mga Bandalo noong unang siglo, pinalitan nila ang kanilang pangalan tungo sa pagiging Lombardo.[1] Ang pangalang Winnili ay karaniwang isinalin bilang 'mga lobo', na nauugnay sa Protohermanikong ugat na *wulfaz 'lobo'.[2] Ang pangalang Lombardo ay iniulat na nagmula sa katangi-tanging mahabang balbas ng mga Lombard.[3] Marahil ito ay isang tambalan ng mga elementong Protohermanikong *langaz (mahaba) at *bardaz (balbas).
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.