pampublikong liwasan sa Ermita, Maynila From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Liwasang Bonifacio ay matatagpuan sa Lungsod ng Maynila sa Pilipinas.
Matatagpuan ang Liwasang Bonifacio sa gitna ng mga gusali ng Post Office at ng Metropolitan Theater sa Lungsod ng Maynila. Ito ay malapit sa munisipyo ng Maynila at ng Ilog Pasig. Nakatayo ang tansong estatwa ni Andres Bonifacio sa Liwasang Bonifacio.[1]
Ipinagdiriwang sa Liwasang Bonifacio ang mga seremonya ng pag-alala kay Andres Bonifacio noong Nobyembre 30.[2]
Tinawag na Plaza Lawton ang Liwasang Bonifacio noong panahon ng mga Amerikano bilang paggunita kay Heneral Henry Ware Lawton na isang Amerikanong may pinakamataas na ranggo na napaslang noong Digmaang Filipino-Amerikano. Ito'y naging Liwasang Bonifacio noong sentenyal na kapanganakan ni Andres Bonifacio noong 1963 bilang paggunita kay Bonifacio bilang pambansang bayani at Supremo ng Katipunan.[1][3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.